Rachelle Ann magko-concert muna bago mag-Miss Saigon
Bagaman at marami ang umasa na ang role ni Kim ang makukuha ni Rachelle Ann Go sa Miss Saigon na magsisimula na ang preparasyon sa uÂnang quarter ng 2014, masaya na rin ang lahat na isang napakagandang role ang nakuha ng Kapuso star na kung siya ang masusunod ay ayaw sana niyang mag-audition. Kung hindi lamang sa paÂmimilit sa kanya nina Lea Salonga at theatre diÂrecÂÂtor Bobby Garcia ay masaya na siya’t kuntento sa mga musical na nasasalihan niya locally at ang mga magagandang palabas sa TV na ibinibigay sa kanya ng GMA, tulad ng Sunday All Stars. Pero naÂkaÂtakda marahil siya sa Miss Saigon at hindi rin naman maliit ang role ni Gigi kung kaya, para may mabalikan siyang trabaho after Miss Saigon, inextend ng Kapuso Network ang kontrata niya sa kanila hanggang sa makabalik siya mula sa musical na mapapanood sa London. Pero bago siya umalis ay ipagdiriwang muna niya ang kanyang 10th year sa showbiz sa paÂmamagitan ng isang major concert.
Boots Anson nakatagpo ng ikalawang glorya
Masaya naman kami para sa veteran actress na si Boots Anson Roa na nakakita ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Francisco Rodrigo, Jr., isang abogado. Ikakasal sila sa June ng 2014. Hindi lamang ang mga anak ni Boots sa namayapa na si Pete Roa ang masaya sa magiging bagong kabanata sa buhay ng kanilang ina kundi ang lahat nitong kaibigan at kasamahan sa pelikua, lalo na ang mga Vera PereÂzes na kung saan nagsimula hindi lamang si Boots ng kanyang pag-aartista kundi maging ang kanyang amang si Oscar Moreno.
Shake… ng Regal…napunta na sa pagpag
Habang ang interes ng lahat ng tagasubaybay ng Metro Manila Film Festival 2013 o ang taunang pagdaraos ng Pista ng PeÂlikulang Pilipino ay nakatuon sa mga pelikula na malaki ang gastos sa promosyon tulad ng My Little Bossing, Boy Golden, Pedro Calungsod, heto ang showbiz royalty na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mayroon din palang entry, ang Pagpag.
Isang nakakatakot na pelikula ang pinagsosyohan na gawin ng Star Cinema at Regal Films. Kaya naman hindi mami-miss ng mga manonood ang nakakatakot na pelikula ng Regal na maraming taon ding pinilahan sa MMFF. Magsisilbing isang maÂgandang kapalit nang nakasanayang Shake Rattle & Roll na talaga namang layong takutin ang mga manonood.
Maureen gustong umbagin ng fans ni Kylie
Hindi naman dehado si Maureen Larrazabal sa pagkawala niya sa Bubble Gang. Nabibigyan siya ng assignment sa mga palabas ng GMA na kung saan ay talaga itinotodo niya ang pagiging kontrabida. Galit na galit sa kanya ang mga manonood ng Adarna dahil kung apihin niya si Kylie Padilla ay ganun na lamang. Ngayon lang siguro tayo makakamalas ng isang kontrabida na sinabunutan sa isang public place. Ganun kagalit ang mga fans ni Kylie sa pinaggagawa ni Maureen sa kanilang idolo. Talagang nagbanta silang sasabunutan ito kapag nakita nila. Natatawa lang si Maureen at humihingi ng konsiderasyon dahil role nga lang naman yung ginagawa niya. “Mabait naman po ako sa tunay na buhay,†sabi niya.
- Latest