Air Supply muling magpapa-in love sa Pinoy fans
MANILA, Philippines - Muling pasasayahin at gagawing in love ng Australian soft rock duo na Air Supply ang kanilang PiÂnoy fans na naturally romantic at heart sa kanilang pagbabalik-concert sa Solaire Resort & Casino sa Dec. 11.
Ilang beses nang pabalik-balik sa Pilipinas ang magkaibigang British-born singer-songwriter at guitarist na si Graham Russell at ang lead vocalist AusÂÂtralian Russel Hitchcock. Ang concert ng Air Supply sa Solaire ay produced ng Grand Leisure CorÂÂporation at supported by Park N Ride, Inc.
Gumawa ng pangalan ang Air Supply noong ’80s nang mapasama ang walong kanta nila sa Top 10 hits sa United States of America. Ang Air Supply ay nabuo noong 1975 sa Australia. BreaÂking the record ang accomplishment ng duo group dahil nakapagbenta ang Air Supply ng 100 million albums worldwide.
Last Oct. 24 ay nag-announce ang AusÂÂtraÂlian Recording Industry AssociaÂtion (ARIA) na iaangat na ang duo sa kanilang Hall of Fame na naganap ang sereÂmonya sa annual ARIA Awards kahapon, Dec. 1.
Noong taong 1980, ang single ng Air Supply na Lost in Love under Arista ReÂcords ay gumawa ng record bilang fastest-selling single ng taon. Nasundan agad ito ng hits na All Out of Love, na mas mabilis pang naibenta sa market dahil sa kasikatan ng Air Supply.
Sa first concert nila sa kabubukas na Solaire Resort & Casino, the country’s newest entertainment hub, pasasayahin nila ang kanilang old-timer fans ng kanilang nostalgic songs na nagpa-in love sa kanila noong ’80s. Hanggang ngayon ay ginagawang theme songs ng mga soap opera ang kanilang mga awitin kaya ’di sila malimut-limutan ng kanilang fans.
For inquiries, please call (02) 527-7428, 897-7142, 896-2413, 890-6067, 0926-5927593, and look for Joanna or Elvie, or e-mail [email protected].
- Latest