Jasmine kumakawala sa pangalan ni Anne
Jasmine Curtis Smith is not only following the footÂsteps of her more popular elder sister, Anne Curtis, but she’s carving a name of her own nang hinÂdi umaasa lamang sa pangalan ng kanyang kaÂpatid.
Aminado si Jasmine na malaki ang influence sa kanyang showbiz career ng kanyang ate who remains a big sister to her. Kung hindi dahil kay Anne, malamang na malabong makapasok si Jasmine sa mundo ng showbiz ngayon.
Gandang-ganda ang mga dumalong press peoÂple sa 12th anniversary celebration ng Flawless na isa si Jasmine sa mga celebrity endorser. Lutang ang kanyang ganda with a very simple make-up on.
Kung si Anne ay nasa pangangalaga ng Viva Entertainment at ABS-CBN mukhang alaga naman siya ng TV5 dahil hindi rin siya nawawalan ng project sa Kapatid Network. Proud din si Jasmine sa pagkakapasok ng kanyang first indie movie na Transit sa Oscars. Of course, nariyan pa si Sam Concepcion na dagdag niyang inspirasyon.
Malaki ang potential ni Jasmine na tanghaling major star balang araw. Aware naman kasi ito na maÂtagal ang hinintay ng kanyang ate bago niya naÂrating ang kanyang estado ngayon. Anne was much younger pa kay Jasmine nang ito’y magsimula sa showbiz.
Yasmien tanggap na magnanay-nanayan sa tween stars
Back in shape si Yasmien Kurdi nang ito’y dumalo sa press launch ng ika-12th anniversary celebration ng Flawless, kasama ng iba pang celebrity endorsers. Karay-karay pa ni Yasmien ang kanyang one-year-old daughter na si Ayesha nang ito’y mag-attend sa presscon ng Flawless ng pinamumunuan ng businesswoman na si Rubby Sy.
Samantala, kahit bata pa si Yasmien, hindi nito alintana ang pag-portray ng mother role kina Barbie Forteza, Krystal Reyes, at Joyce Ching sa Ana KareÂnina. Magmula nang isilang ni Yasmien ang kanyang first baby na si Ayesha ay walang problema sa kanya ang mother role kahit parang kapatid lamang niya ang kanyang mga naging anak sa teleserye.
Yasmien is glad na muli niyang makakatrabaho ang kanyang batchmates sa Starstruck 1 na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa bagong serye na Rhodora X.
Rodjun tinatapatan na si Rayver
Wala pang exclusive contract sa GMA ang actor na si Rodjun Cruz, kapatid ng singer-actor-dancer na si Rayver Cruz, pero nagpapasalamat siya dahil pagkatapos magwakas ng top-rating gay series na My Husband’s Lover ay agad siyang nabigyan ng follow-up project sa pamamagitan ng Akin Pa Rin ang Bukas na tinatampukan nina Lovi Poe at Cesar Montano. Hindi rin isyu kay Rodjun ang pagsasama nila ni Cesar sa serye kahit pinsan niya ang ex-wife nitong si Sunshine Cruz dahil pareho silang professional actors.
Rodjun wants to be known for his own merits at hindi bilang kapatid ng kanÂyang popular brother na si Rayver. Bukod sa Akin Pa Rin ang Bukas, mainstay na rin si Rodjun sa Sunday All Stars, ang Sunday musical show ng GMA na katapat naman na programa ng ASAP ng ABS-CBN kung saan naman mainstay ang kanyang brother na si Rayver.
“To us, it’s just work. Wala kaming sibling rivalry,†sabi ni Rodjun sa kapatid niya.
- Latest