Julia nananamlay sa concert ni Enrique!
Marami ang nagtaka kung bakit parang walang sigla si Julia Montes nang mag-guest ito sa dance concert ni Enriquez Gil na masasabing napaka-matagumpay dahil punung-puno ang Smart Araneta Coliseum. Walang kokontra kung sasabihin kong disappointed ang fans nila ni Enrique. Mabuti pa raw si Kim Chiu at hindi lang sa outfit nag-effort kundi maÂging sa kanyang performance.
Hindi naman sila maaaring ikumpara sa naging performance ni Angel Locsin dahil mas senior ang aktres sa kanila at talaga namang inspired sa kanyang pagsasayaw. Dun daw ba ibinuhos ng aktres ang kanyang frustration sa breakup nila ng atletang si Phil Younghusband?
Sa tagumpay ng konsiyerto ni Enrique ay talagang walang kokontra pa sa pagiging dance king niya. Napakagaling ng kanyang moves at may moves siyang napaka-sensual din. Ang tagumpay ng concert niya will definitely add to his stature as a Kapamilya actor. Pero again, bakit kaya wala sa huwisyo si Julia ng gabi ng konsiyerto ng dati niyang co-star?
Buhay ni San Pedro Calungsod inilalahad sa tanghalan
Dalawang gabi lamang ang nakararaan nang dumalo ako sa pa-presscon ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment para sa isang pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, ang Pedro Calungsod: BaÂtang Martir. Hindi ko kilala ang batang santong PiÂlipino pero sa pa-presscon pa lamang ng nasabing pelikula na nagtatampok sa isang Born Again Christian actor na si Rocco Nacino, mula sa panulat at direksyon ni Francis Villacorta, nagkaro’n na ako ng ideya tungkol sa kanya.
Ngayon sa isang pang produksiyon, sa tanghalan naman, mas makikilala ko pa ang batang martir at nadeklarang santo ng Simbahang Katoliko.
Hindi ko malaman kung bakit hindi tuluyang tinatanggap at ayaw yatang panoorin ng maraming mag-aaral pero sa mga paaralang pinaglabasan ng PeÂdro Calungsod, D’ Muzikal na isinulat, idinirek, at tinampukan ni Vince Tanada, kinaaliwan naman ng mga nakapanood ang masayang pagpapakilala sa kanila ng santo sa pamamagitan ng sayaw at awit.
Katulad ng pelikula ni Villacorta, suportado rin ng Department of Education at Commission on Higher Education ang stage musical ni Tanada, isang Aliw awardee for best actor at president and artistic director ng Philippine Stagers Foundation. May plano nga na dalhin ito at ipapanood sa maraming eskuwelahan at paaralan sa bansa.
Pagiging maalagang ina ni Kris, pinuri ni Vic
Kailangan pa bang makita ng personal ang pag-aasikaso ni Kris Aquino sa kanyang mga anak para masabing mabuti siya at maalagang ina?
Si Vic Sotto ay hindi na kailangan ng karagdagang patunay dito dahil sa set ng pelikula nila ng preÂsidential sister ay namalas niya kung gaano kaasiÂkaso si Kris hindi lamang kay Bimby Yap, Jr. kundi maging sa panganay niyang si Joshua.
“Makikita mo rin naman sa dalawa niyang anak kung gaano sila kagandang napapalaki ng kanilang ina kaya humahanga ako kay Kris. Bilang nanay, she’s really good,†sabi pa ng TV host na naniniwaÂlang ang chemistry nila nina Kris, Bimby, at Ryzza Mae Dizon ang magpapaganda sa pelikulang ginagawa nila para sa MMFF 2013.
Biglaang pagkamatay ni Paul Walker nakapanghihinayang
Labis naman akong nalungkot sa pagkamatay ni Paul Walker, isang artista sa Hollywood na nasa cast ng Fast & Furious franchise movie kasama si Vin Diesel at marami pang iba.
Si Paul ang pinaka-outspoken sa ginagawang pagtulong ng mga artista ng nasabing pelikula para makalikom ng pondo na ibibigay sa mga lugar at taong nasalanta ng bagyong Yolanda.
- Latest