Gladys feel kadaldalan si Angelu
Nakausap namin si Gladys Reyes sa set visit ng Pyra: Babaeng Apoy na nagtapos na noong Biyernes. Masaya ang lahat dahil consistent ito sa mataas na rating pero sa kabilang banda ay nalulungkot ang aktres dahil mami-miss niya ang lahat lalo na si Angelu de Leon.
‘‘Naging close kasi kami ni Angelu at gusto kong magkaroon sana kami ng talk show gaya ng prograÂmang SiS noon. Pareho kaming kalog at spontaneous,’’ sabi ni Gladys.
Kontrabida ang role ng aktres sa Pyra at ipinaliliwanag niya ang karakter na ginagampanan sa kanyang mga anak. Tatlo na ang mga anak ni Gladys na edad pito, lima, at tatlong taong gulang.
Wala siyang problema sa kanyang asawang si Christopher Roxas na kasama rin sa Pyra at first time na magtrabaho sa GMA 7. Masaya siya dahil mababait ang mga artista at big bosses niya sa Siyete.
Tutulong si Gladys sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at pupunta rin ng Kabisayaan dahil kasali rin ito sa isang foundation ng kanilang relihiyon.
Juris naungusan ang mga sikat na Singaporean singer
Napakinggan namin ang mga awiting nakapaloob sa album ni Juris na recording artist ng Star Records. Ang international album niyang DreaÂming of You ay nag-No. 1 sa listahan ng top albums sa HMV, ang sikat na record bar label sa SingaÂpore.
Naungusan ni Juris sa HMV jazz chart ang mga kilalang SingapoÂrean singer o kahit pa ang international singer na si Norah Jones.
Dalawang taon pa lang ang singer ay kinaÂkitaan na ng galing sa pag-awit. Noong una ay wala siyang hilig sa pagkanta pero kalaunan ay minahal na niya ito. Tapos si Juris ng psyÂchology sa MiÂriam College pero mas piÂnaÂboran ang singing caÂreer na ngaÂyon ay 10 years na. Wish niyang maÂÂÂipagpatuloy pa ang taÂgumpay.
Bahagi ng 12-track alÂbum ang mga awiting reÂvival ng all-time classic ballads: I Honestly Love You, Say You Love Me, I Love You, Goodbye, at iba pa.
PAGBATI…
Congrats kay Eloy PaÂdua na pangulo ng FAMAS dahil nahirang itong pangulo ng Blessed Sacrament CaÂtholic School Parents CoorÂdinating Board.
- Latest