^

PSN Showbiz

Aktor nagsisi sa ginawang pagpo-post ng ‘lalaki’ ng misis, buking na hiwalay na palang matagal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-sorry ang isang aktor sa mga kaibigan dahil sa mga post niya laban sa kanyang misis. Nabuking tuloy na may problema ang magdyowa.

Parang siniraan ng aktor si misis dahil sa kanyang kuwento na diumano’y naabutan niya na may kasamang lalaki ang kanyang asawa habang nasa tabi nito ang kanilang anak na babae.

Naloka ang ex-wife sa tsismis ng ex-mister dahil wala silang ginagawang masama ng mhin na ob­vious na pinagselosan ng aktor.

Lumabas tuloy ang katotohanan na matagal na silang hiwalay kaya hindi na ginagamit ni misis ang family name ng aktor.

Mabilis na nag-apologize ang aktor nang ma-realize niya ang pagkakamali, kasunod ang pangako na hindi na mauulit ang kanyang ginawa.

Walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng aktor at ng kanyang misis. Ang duda ng friends ng aktor, baka hindi na ma-take ng girl ang kanyang unpredictable behavior. Hindi yata alam ni misis na may personality disorder ang kanyang ex-husband noong bagets pa ito.

Robin at Mariel nakipagkita sa Balinese healer ng Eat, Pray...

Nagbakasyon sa Bali, Indonesia ang mag-asa­wang Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Memorable ang bakasyon ng magdyowa dahil na-meet nila si Ketut Liyer, ang Balinese healer na sumikat nang husto dahil sa special participation niya sa pelikula ni Julia Roberts, ang Eat, Pray, Love.

I’m sure itinuro rin ni Ketut kina Mariel at Robin ang simple meditation na natutunan sa kanya ni Elizabeth Gilbert, ang author ng Eat, Pray, Love.

Ang Bali vacation ang birthday gift ni Mariel kay Robin na magiging busy na sa promo ng 10,000 Hours sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ang 10,000 Hours ang official entry ni Robin sa Metro Manila Film Festival 2013.

Abo ni Angelo Castro isinama na sa libing ni June Keithley

Bumuhos ang luha sa libing ni June Keithley-Castro noong Biyernes sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Hindi lamang ang mga labi ni June ang inilibing dahil inilagay din sa kabaong niya ang urn na nag­lalaman ng abo ng kanyang asawang si Angelo Castro, Jr.

Ganyan kadakila ang pagmamahalan ng mag-asawa. Kahit naunang namatay si Angelo, magkasama pa rin sila ni June sa huling hantungan nila. Pumanaw si Angelo noong April 2012 dahil sa kanser at makalipas ang isang taon at pitong buwan, ang kanyang misis naman ang sumakabilang-buhay. Napaghandaan ni June ang kanyang kamatayan kaya naayos niya ang lahat nang dapat ayusin bago siya sumakabilang-buhay. Hanggang sa huling sandali, very organized ang bayani at boses ng 1986 People Power Revolution.

Lumobong katawan ni Yasmien bumalik na sa dati

Shape and sculpt ang sikreto ng mabilis  na pagpayat ni Yasmien Kurdi. Sinabi ni Yasmien ang sikreto ng kanyang pagpayat sa presscon ng National Flawless Month noong Biyernes.

Nakakagulat ang transformation ni Yasmien dahil mas payat ito ngayon kesa noong dalaga pa siya.

Lumobo nang todo ang katawan ni Yasmien nang ipagbuntis niya ang anak na si Ayesha. Dumaan sa depression si Yasmien dahil sa kanyang katabaan pero sa tulong ng exercise at Shape and Sculpt ng Flawless, seksing-seksi na siya. Bumalik na ang confidence ng aktres at walang maniniwala na naging problema niya ang kanyang mabigat na timbang dahil magandang-maganda siya ngayon.

    Kasama ni Yasmien sa presscon ng Flawless ang panganay nila ng kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. Pinagkaguluhan ng mga reporter ang bagets na carbon copy ng tatay niya. 

vuukle comment

AKTOR

ANG BALI

ANGELO CASTRO

DAHIL

KANYANG

MARIEL

NIYA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with