^

PSN Showbiz

Kahit bida pa ng pelikula ng huling santong Pinoy Rocco hindi nabago ni Santo Calungsod sa pagiging born again!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Salamat sa mga peli­kula at palabas sa TV na gi­nagawa para sa pinakahuling santong Pilipino na si Pedro Calungsod da­hil mas makikilala na siya ng mga Pilipino. Wala halos record tungkol sa napakabatang santo na na­­­matay ng napakabata dahil mas ginusto nitong palaganapin ang Katolisismo kaysa i-enjoy ang mga karaniwang ginagawa ng mga tulad niyang ka­bataan pa.

Hindi lamang naman ang batang martir ang nag­daan sa hirap sa kanyang murang buhay. Ma­ging ang actor na gumanap sa kanya sa pelikula ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment na Pedro Calungsod, Batang Martir na si Rocco Nacino ay nagdaan din sa maraming hirap at panganib habang ginagampanan ang kanyang role. Naroong kinailangan niyang tumakbo ng malayo suot ang kanyang bakya habang nanganganib mahulog mula sa ulo niya ang suot  niyang wig. Minsan din ay kinailangan siyang saklo­lo­han ng mga divers dahil muntik na siyang malunod habang nasa ilalim ng ilog.

“Pero payag akong pagdaanang muli ang hirap dahil kailangang-kailangan ng mga tao sa panahong ito ng maraming pagsubok at kalamidad ang makakapitan at masasandalan. Si Pedro Calungsod ay makapagbibigay sa atin ng pag-asa at inspiras­yon,” anang aktor na ipagpapasalamat  sa batang santo ang magandang takbo ng kanyang karera simula nang gawin niya ang pelikula.

“Isang Born Again Christian ako at hindi nabago ng pelikula ang paniniwala ko, pero pakiramdam ko sinusubaybayan niya  ako at nakakausap ko siya sa aking isip. Dun pinasasalamatan ko siya,” pag-amin ng actor.

Maganda at kakaiba ang ginanap na presscon para sa pelikula. Nagkaroon ng raffle ng cash at in kind after the fashion show na kung saan ay itinampok ng mga artista ng pelikula, Rocco, Christian Vasquez, Jestoni Alarcon, Robert Correa, Carlo Gonzales, Alvin Aragon, Johan Santos, Migui Moreno, Isadora Velasquez, at marami pang iba suot ang mga costume na ginamit nila sa pelikula.

Dalawang taon ang ginawang research ng writer/director ng Pedro Calungsod na si Francis Villacorta, isang nakatapos ng History/Political Science sa La Salle, para makagawa ng kuwento tungkol sa batang santo.

Ate Guy bibiyahe pa-Tacloban, fans nangangalap ng donasyon

Para sa mga biktima ng Yolanda, magtutulung- tulong lahat ng mga organisadong Noranians o fans ng Superstar para matulungan sila.

Ganito namang suporta ang dapat din ay gawin ng mga tagahanga ng ibang artista. Hindi ‘yung pakikialam lamang maski na sa personal na buhay  ng mga idolo nila  ang pinag-aaksayahan nila ng panahon at pakikipag-away sa mga tulad din nilang tagahanga.

Lahat ng malilikom na donasyon ay si Nora mismo kasama ang mga opisyales ng kanyang foundation at  ng mga organisasyon ng kanyang mga fans, local  man o international, ang mamamahagi sa mga nasalantang lugar sa Disyembre 15.

ALVIN ARAGON

ATE GUY

BATANG MARTIR

CARLO GONZALES

CHRISTIAN VASQUEZ

PEDRO CALUNGSOD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with