Jasmine panay ang display ng kili-kili
Nababaitan ako kay Jasmine Curtis Smith, ang isa sa mga celebrity endorser ng Flawless na umapir kahapon sa presscon ng 12th anniversary ng number one beauty clinic ng bansa.
Minana ni Jasmine ang kabaitan at pagiÂging kikay ng kanyang Ate Anne Curtis. Loyal endorser si Jasmine ng Flawless dahil regular ang pagbisita niya para sa kanyang hair removal treatment.
Confident si Jasmine sa pagsusuot ng mga sleeveless top dahil makinis na makinis daw ang kanyang under arms. Nawala na rin ang back acne niya dahil sa pag-aalaga sa kanya ng Flawless.
Ipinakita pa ni Jasmine sa mga reporter ang kanyang malinis at makinis na likod bilang patunay na gumaling na ang back acne niya dahil sa mga mahusay na gamot ng Flawless.
Eight plus four ang tawag ni Mama Rubby Sy-Coyiuto ng Flawless sa 12th anniversary promo ng kanyang beauty clinic.
Simple lang ang mechanics para sa mga gustong mag-avail sa anniversary promo na puweÂdeng i-redeem hanggang December sa 2014. Magbibigay din ang Flawless ng top-to-toe makeovers sa sinuman na makapagdadala ng labindalawang bagong kliÂyente o makakatapos sa National Flawless Month stamp sa pamamagitan ng 12 stamps.
Si Mama Rubby ang big boss ng Flawless at siya ang punong-abala sa anniversary month na inaabangan ng sambayanan dahil sa 50% discount para sa lahat ng mga beauty treatment.
Enzo idinadaldal na ang relasyon kay Louise
Si Enzo Pineda ang nag-iisang lalaki sa presscon kahapon ng Flawless. Matutuwa si Louise delos Reyes dahil open na si Enzo sa pagkukuwento tungkol sa kanilang love affair.
Ang sabi ni Enzo, mas maganda na ngayon ang relasyon nila ni Louise na halata naman dahil very positive ang kanyang aura. Minsan nang naghiwalay ang dalawa pero nagkabalikan bilang mahal nila talaga ang isa’t isa.
Alfred hindi pa kayang bumalik sa showbiz
Nag-meeting kami kahapon ni Congressman Alfred Vargas dahil matagal na kaming hindi nagkikita mula nang magpunta siya sa Russia.
Hindi pa puwedeng tumanggap ng mga TV guesting si Alfred dahil sa rami ng kanyang mga responsibilidad bilang house representative ng 5th District ng Quezon City. Hindi ko naman siya pinipilit dahil mas mahalaga sa kanya na paglingkuran ang constituents niya, lalo na ngayon na maraming pagsubok na pinagdaraanan ang ating bansa.
In fairness kay Alfred, hindi siya nawawalan ng mga TV offer. Ang kaso, hindi talaga pasok sa kanyang very hectic schedule ang mga alok na TV guesting.
‘Christmas party ng aking mga alaga tuloy’
Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga kaibigan ko sa entertainment press dahil kanselado ang mga Christmas party ng mga TV network bilang pakikisimpatiya sa mga biktima ng typhoon Yolanda.
Kinakausap ko ang aking ibang mga alaga para magkaroon sila ng Christmas party. Naniniwala ako na puwedeng magbigay ng donasyon sa Typhoon Yolanda victims na hindi kailangan na isakripisyo ang yearly Christmas party para sa entertainment press.
Minsan lang sa isang taon na nagtitipun-tipon ang mga reporter para sa kaarawan ni Papa Jesus, bakit ipagkakait pa sa kanila? Mababaw lang naman ang kaligayahan namin. Kahit walang raffle draw, basta nagkakasama at nagkukuwentuhan, happy na kami.
Ang sabi nga ni Regine Velasquez, hindi puwedeng i-postpone ang Christmas celebration dahil birthday naman ito ni Papa Jesus. Puwedeng-puwede na mairaos ang mga Christmas party kahit sa paraan na simpleng-simple.
- Latest