^

PSN Showbiz

Vic mas lalong dapat magpabata

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman siguro maiinsulto si Vic Sotto kapag napagkakamalan siyang ama at hindi boyfriend ni Pauleen Luna. Dapat nga sanayin na niya ang sarili niya rito dahil sa ayaw at gusto niya, bata ang karelasyon niya na bagama’t tinatanggap na rito sa bansa natin ay aminin natin na kakaunti pa naman ang may ganitong kaso.

Huwag nang mainsulto si Bossing Vic at ipagpatuloy na lamang ang pagpapabata ng kanyang hitsura na matagal na niyang nagagawa kahit nung bago pa lamang sila ni Pauleen.

Kailangang siya ang sumabay kay Pauleen and not the other way around. Okay ba, Bossing?

Mommy DionIsia nasa lugar ang pagtataray

Tama rin naman na magtaray si Mommy Dionisia Pacquiao sa TV dahil sa pinaniniwalaan niyang panggigipit ng gobyerno sa kanyang anak na boksingero. Tuloy, pati ’yung kasong panghihingi ng buwis sa kinita niya sa isang komersiyal ay nabuko.

Pero hindi ba ’yung halaga na tinanggap niya sa kanyang trabaho bilang endorser ay natanggalan na ng withholding tax para hindi na siya mam­roblema?

Kayo namang nasa pamahalaan, ayusin n’yo nga ang trabaho n’yo dahil baka naman mawalan ng tiwala sa inyo hindi lamang ng mga tao kundi lalo na si P-Noy na siyang naglagay sa inyo sa inyong puwesto.

Kung ganyang mali-mali ang pinaggagagawa n’yo ay malamang mapalitan kayo. Alalahanin n’yo na lahat ng kapalpakan n’yo will reflect on the president. Kaya ingat lang.

Kapamilya at Kapatid nanguna sa pagkansela ng party

Walang Christmas party for the press ang ABS-CBN at TV5, nauna na silang magkansela. Ibibi­gay daw sa mga biktima ng Yolanda ang dapat sana ay gagastusin nila sa pa-party na ginagawa naman nila taun-taon. Magbibigay na lang sila ng Christmas gift na maa-appreciate naman ng mga taga-media dahil ang mga manunulat din naman ay gumagawa ng kanilang tulong sa mga nasalanta.

Let’s just pray na matapos na ang mga ganitong kalamidad at makabangon na ang mga nasalanta para makapag-Christmas din sila ng masaya.

ALALAHANIN

BOSSING VIC

MOMMY DIONISIA PACQUIAO

NAMAN

PAULEEN

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

WALANG CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with