Abogado walang planong tantanan si Freddie Aguilar
Saan kaya nagbubuhat ang galit ng abogadong nagdemanda kay Ka Freddie at hanggang ngayon ay ayaw nitong tantanan kahit na kasal na ito sa kabataang babae na sinasabi niyang sinasamantala lamang ng singer ang kabataan. Pati magulang ng napangasawa nito ay isinama na rin ng abogado sa demanda niya!
Marami ang curious kung hanggang saan hahantong ang kaso. MaÂpatutunayan bang guilty si Ka Freddie kahit may pahintulot ng mga magulang ng babae ang kanilang relasyon?
Abangan.
Showbiz parties kanselado
Apektado rin naman ang entertainment press sa ginawang pinsala ng YoÂlanÂda. Kung dati ay recipient sila ng kagandahang loob ng mga artista, prodyuser ng pelikula at mga TV network tuwing Kapaskuhan, ngayon ay kinakailangan nilang mag-give in sa mga mas nasalanta sa Kabisayaan.
Wala munang party sa kanila ang mga rati ay nagpapa-Pasko sa kanila dahil ang gagastusin sana para sa kanila ay ginawang donasyon sa mga biktima.
Mommy D. gustong pagbuwisin kahit nanghihingi lang ng pera sa anak
Nakakatawa naman si Mommy DioÂnisia Pacquiao na hinihingian din pala ng buwis ng BIR gayung sabi nga niya ay binibigyan lang siya ng pera ng mga anak niya.
Parang masyado nang desperado ang mga taga-gobyerno na makalikom ng halaga kaya walang taros sila kung maningil ng buwis.
Okay lang dahil trabaho n’yo yan, pero hinay hinay lang.
Bumwelo naman kayo, nakakasakit na kayo. Mga taga-showbiz lang ba ang puntirya n’yo?
- Latest