^

PSN Showbiz

Singer-TV host nagtiis na kalbo ng matagal na panahon, ngayon lang tinubuan ng buhok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang singer, songwriter, at TV host na si Abby Asistio ang pinakabagong brand ambassador ng Novuhair Topical Scalp Lotion – ang tinaguriang nature’s answer to hair loss.

Kabilang si Abby sa mga bagong henerasyon ng mga batang artists na sumali sa Manila Genesis Entertainment & Management Inc. Kamakailan lang ay nai-release niya ang kanyang self-penned single na pinamagatang Beautiful at ito ay inareglo ni Jay Durias ng South Border. Ang music video ng single ay dinirek ni Joaquin Valdes at kasalukuyang ipinalalabas sa Myx at pinatutugtog sa mga istasyon ng radyo sa Maynila.

Mula pa lang sa edad na apat, alam na ni Abby ang pakiramdam nang mawalan ng buhok. Na-diagnose siya ng alopecia areata, isang kundisyon na nagdudulot ng hiwa-hiwalay na pagkawala ng buhok sa buong katawan, nabuhay si Abby sa buong proseso nang pagkalagas ng buhok: pagkalagas ng paunti-unti, at nagdesisyon na nga niyang kalbuhin ang kanyang ulo. Sinubukan din niya ang iba’t ibang uri ng pagpapatubo ng buhok sa States, kasama na rito ang mga chemical-based products na nakapagbigay pa ng allergies sa kanya.

Noong September 2012, pinanindigan na ni Abby ang kanyang pagkakalbo. Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Jing Monis, sinimulan niya ang isang Alopecia Areata Awareness Month Instagram campaign kung saan inimbita niya ang kanyang mga kaibigan at pamilya na mag-pose na may double “A” sign gamit ang kanilang mga daliri. Naging matagumpay ang kampanya niya at sa ngayon ay umabot na sa halos isang libo ang mga litrato rito. Noong September 25, 2012 din, gumawa siya ng isang coming out concert kung saan nag-perform siya ng kalbo sa publiko sa unang pagkakataon.

Sa taong ito, napabilang si Abby sa Top 41 voca­lists na nabigyan ng pagkakataon na mag-audition sa unang season ng The Voice Of The Philippines. Isa rin siyang fina­list sa Dove Real Beauty Campaign at isa sa mga 30 Young Achievers ng Meg magazine, kasama na sa mga layunin ni Abby sa buhay ang pagiging boses para sa mga taong may sakit na alopecia areata. “Honored po ako at napili ako bilang brand ambassador ng Novuhair. Makakatulong po sa akin ang bagong platform na ito upang ipagpatuloy ko ang aking advocacy to share my music and life story,” sabi ni Abby.

Dahil sa paggamit ng Novuhair, nakaranas na si Abby ng magandang resulta. May visible signs na ng pagtubo ng buhok   sa loob ng limang buwan. “Mas makapal po ang mga strands ng aking buhok at mas makapal na rin po ito at more healthy-looking. Clearly nourished and invigorated po ang aking scalp. Pagdating sa hair growth nasa panig ko ang nature with Novuhair,” paliwanag ni Abby.

“We at Novuhair are very happy to welcome Abby to the family,” sabi ni Ms. Sheila Mae Velilla, President of Nutramedica Inc. “Perfect candidate si Abby para ipakita kung gaano kaepektibo ang Novuhair and we are glad to see visible results.”  

Available ang Novuhair Topical Scalp Lotion sa lahat ng mga Mercury Drug Stores at lahat ng mga leading drugstores nationwide. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lang ang www.novuhair.com, i-like ang opisyal na Facebook Fan Page at Novuhair Official, i-follow sa Twitter, @NovuhairUpdates, o tumawag sa Novuhair hotlines 4136570 at 09228830575. (RODEL LUGO)

vuukle comment

ABBY

ABBY ASISTIO

ALOPECIA AREATA AWARENESS MONTH INSTAGRAM

DOVE REAL BEAUTY CAMPAIGN

DRUG STORES

NOONG SEPTEMBER

NOVUHAIR

NOVUHAIR TOPICAL SCALP LOTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with