^

PSN Showbiz

Melissa Ricks napaglipasan na agad?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Parang napaglipasan na ng panahon ang young actress na si Melissa Ricks na hanggang support role na lamang ang ginagampanan. Hindi man nawawalan ng proyekto sa bakuran ng ABS-CBN ang Star Magic ta­lent, tila nawalan na ito ng ningning kumpara sa kanyang mga nakapanabayan noon.

Support role ngayon ni Melissa sa Honesto pero hindi ganoon ka-significant ang kanyang ginagampanang papel.

Ano kaya ang kulang kay Melissa?  Charisma at mass appeal.

Miss Earth candidates panay ang rampa

Ang ikatlo at final batch ng 2013 Miss Earth candidates ay dumayo sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig City last Monday for their late lunch. Naglakad din sila from their hotel sa F1 Hotel patungong Toki kaya muli silang pinagkaguluhan ng mga motorista at naglalakad along 32nd Avenue at panulukan ng 5th Avenue na malapit lamang sa St. Luke’s Medical Center-Global City at S&R Supermarket.

Sa F1 Hotel naka-billet ang lahat ng 89 candidates ng Miss Earth kung saan din ginanap ang swimsuit at National Costume competition last Monday evening.

Sa December 7, 8:00 p.m. na ang coronation night ng 2013 Miss Earth na gaganapin sa Versailles Palace, Alabang, Muntinlupa, Rizal at malaki ang chance ng Miss Earth-Philippines na si Angelee Claudett de los Reyes na makuha ang korona. Ang 2012 Miss Earth na si Tereza Fajksova ng Czeck Republic ang magpuputong ng korona sa susunod na tatanghaling Miss Earth 2013.

Arjo naghihintay ng bagong trabaho

Tuwang-tuwa ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez sa pagkakapanalo ng Best Supporting Actor (for Dugong-Buhay) ng kanilang panganay na si Arjo Atayde na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan on his own. Proud mom siyempre si Sylvia na hindi namang pinalad manalo ng Best Supporting Actress (for Be Careful with My Heart) na napunta kay KC Concepcion para sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Nung umpisa, ang buong akala ng mag-asawang Art at Sylvia ay hindi ganoon ka-seryoso si Arjo sa kanyang showbiz career pero nagulat sila sa pagi­ging dedicated nito sa kanyang trabaho. Ang husay ni Arjo ay siguradong minana niya sa kanyang inang si Sylvia na isang mahusay na aktres sa kanyang  henerasyon. Maganda rin siguro ang kalalabasan kung magsasama sa isang teleserye ang mag-inang Sylvia at Arjo.

Samantala, kontrabida man ang role na ginampanan ni Arjo sa Dugong Buhay na pinagbidahan ni Ejay Falcon, puwede rin siyang i-groom pang-leading man ng ABS-CBN.

Lovi Poe gusto pa ring kasama si Jake

Personal na pinabulaanan ni Lovi Poe ang lu­mabas sa mga balita na hindi na raw niya gustong makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca. Ayon sa singer-actress, magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon ni Jake at pareho silang professional sa kanilang trabaho kaya wala uma­nong dahilan na tanggihan niya itong makatrabaho.

Ang intriguing lang, Salve A., hanggang nga­yon ay wala pa ring statement si Lovi kung naging sila ni Jake kahit umamin na si Jake.

vuukle comment

ANGELEE CLAUDETT

ARJO

ARJO ATAYDE

ART ATAYDE

BE CAREFUL

BEST SUPPORTING ACTOR

BEST SUPPORTING ACTRESS

LOVI POE

MISS EARTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with