^

PSN Showbiz

Aktres binura pati pictures nila ng aktor, matagal nang showbiz couple, hiwalay na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Break na rin pala ang showbiz couple na matagal nang magkarelasyon at ini-expect na sila ang magkakatuluyan at mauuwi sa kasalan ang relasyon. Walang gustong magsalita sa dalawa kung bakit sila nag-break, pero nahalata ng followers ng aktres sa Twitter na may nangyayari sa kanya dahil hindi na na­ba­banggit sa tweets ang BF na dati ay bida sa kanyang mga tweet.

Isa pang napansin ng fans ng aktres, wala ng picture ang ex-BF sa Instagram (IG) account nito at nang mag-check kami, wala na nga kahit isang picture ng aktor. Obvious na deleted na ang pictures ng aktor na ilang years ding inipon ng ex-couple.

Hindi pa ready magsalita ang ex-couple at ang aktres nga, agad umalis sa presscon ng kanyang bagong show para makaiwas sa tanong ng press. Ang hindi alam ng aktres, may ilang reporters na ring nakakaalam sa break-up nila ng ex-BF at naghihintay lang na siya’y makausap. Kaso nga hindi nagkaroon ng chance ang press na ma-interview siya dahil agad umeskapo.

Hintayin na lang natin ‘pag handa nang magsa­lita ang aktres sa break-up nila ng aktor kahit confirmation lang ang sabihin. Huwag asahang magsalita ang aktor at hindi nito gagawin.

‘Meet the parents 2’ Dennis makikilala na rin sa wakas ang parents ni Tom

Hinihintay ng TomDen fans nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang pagkikita ng una at parents ng huli na tinawag nilang Meet the Parents 2 at mangyayari ito sa December 7 sa concert ng MHL cast sa Los Angeles.

Manonood ang parents ni Tom sa concert sa Los Angeles, magta-travel sila from Arizona at dito na rin nila makikita ang ka-love team ng kanilang anak. Una nang nakilala ng parents ni Dennis si Tom at doon nag-start ang tinawag nilang meet the parents na ikinakilig ng fans.

May mga libreng araw sa San Francisco ang MHL cast, kaya naglibot sila bago lumipad for Maryland sa November 30 show nila. After Mary­land, lilipad sila for New York sa susunod nilang show.

After their New York show, lipat sila sa Los Angeles for their last show at saka babalik sa Pilipinas sa December 10.

BB Gandanghari naartehan sa pagho-host ni Kim, naglalaway naman kay Enrique Gil

Hindi kaya magalit ang fans ni Kim Chiu kay BB Gandanghari dahil sa tweet nitong maarte raw ang aktres na napanood niya nang mag-co-host sa Kris TV  ni Kris Aquino.

Tweet ni BB: “Hindi ko talaga gusto ‘tong si Kim Chiu sa #KrisTVOfficial ung pagbibigay nya ng opinion. I hate that annoying girl, arte-arte pa when it comes to her love life. Isa siyang maarteng artista, mabuti pa si Melai na lang ang co-host ni Kris.”

Nagbago ang mood ni BB sa tweet niya kina Enrique Gil, Xian Lim, Ozo Go ng Masculados at Rocco Nacino.

Tweets nito for the boys: “Ang gwapo talaga @nacinorocco” at “ang gwapo mo @nacinorocco.” Para kay Xian ay “ang cute mo @XianLim.” Kay Ozo ay “morning masculados can I see ur body? Chos.” Si Enrique ay hot daw at “ang gwapo parang gustong kumawala ng anes ko dahil kay enriquegil” at “ang gwapo sumayaw ni enriquegil ng doggie.”

Lovi kinilala ng mga titser

Masaya si Lovi Poe sa plaque of appreciation na natanggap mula sa Fede­ration of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) para sa docu-series na Titser ng GMA News TV.

Nakasulat sa plake ang “Lead Artist Special Recognition for Lovi Poe” at “Excellence In Television Art Mini-Series Program for Titser.”

Teacher ang role ni Lovi sa docu-series at isa ito sa pinakamahirap na role na kanyang ginampanan dahil kailangan niyang balikan ang mga araw na students pa siya. Bukod pa sa mahirap ang taping dahil sa ulan at hirap sa location. Tiyak masaya rin si Direk Alvin Yapan sa pagkilala kay Lovi.

vuukle comment

AFTER MARY

ASSOCIATIONS OF PRIVATE SCHOOLS AND ADMINISTRATORS

DENNIS TRILLO

ENRIQUE GIL

KIM CHIU

LOS ANGELES

LOVI

LOVI POE

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with