^

PSN Showbiz

Awards pinaghati sa magkalabang network!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

I’m sure maging si Richard Yap ay nagulat nang malaman na tinanghal siyang best drama actor sa TV kasabay ni Coco Martin para sa daytime series niyang Be Careful with My Heart na siya ring nagwagi bilang best daytime series. Nakakalungkot lamang na wala ang aktor sa awards night ng 27th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa AFP Theater sa Quezon City nung Sabado ng gabi.

Tanging si Sylvia Sanchez at Janella Salvador lamang at ang producer ng Be Careful… ang nasa venue para tanggapin ang award para sa programa at para kay Richard. Maging si Jodi Santamaria was not around para saksihan ang pagwawagi ng kanyang bagong groom.

Obvious na excited at taken by surprise si  Arron Villa­flor na masungkit ang kauna-unahang best suppor­ing actor para sa serye niyang Juan dela Cruz. Bukod sa napahaba ang acceptance speech niya ay talagang nagkabuhul-buhol ang pagsasalita niya. It would have been a far grea­ter success kung nag-iisa siyang winner sa nasabing kategorya pero nag-share sila ni Arjo Atayde sa award.

Crowd favorite naman si KC Concepcion bilang best supporting actress para sa Huwag Ka Lang Mawawala. Marami siyang pinasalamatan, unang-una na si Judy Ann Santos na siyang kumumbinsi sa kanya na tanggapin ang role.

Si Vice Ganda ang nanalo bilang celebrity talk show host pero tinalo ang Gandang Gabi Vice niya bilang celebrity talk show ng Kris RealiTV. Sa kanyang speech ay ipinagmalaki ni Vice na hanggang 12 episodes lamang sana tatakbo ang show niya pero nakagawa na sila ng 120 episodes at going strong pa rin ang show.

May ilang winners ang nag-tie na nung panahon ko bilang pangulo ng PMPC ang hindi ko pinayagang mangyari. Palagi kong bini-break ang tie sa da­hilang walang dalawang programa ang parehong maganda. Palaging mayroong mas maganda.

Dapat mapanood n’yo ’yung finalé production number ni Dawn Zulueta na ka-duet niya ang isang napakagaling na bata na nagngangalang Trish. Ang ganda ng number at pareho sila ng bata na nag-excel. Marami ang nagulat na nakakakanta pala ang maganda at magaling na aktres.

Marami ang nagsabing parang pinaghahati ng PMPC ang winners para sa ABS-CBN at GMA. Kung manalo ang show ng isa, panalo naman ang host ng kabila. Tulad ng Celebrity Bluff na nanalong best game show pero tinalo naman sina Eugene  Domingo, Jose Manalo at Wally Bayola ni Luis Manzano bilang game show host. Ang Star­talk ng GMA ang best showbiz oriented talk show pero si Ogie Diaz ng Showbiz Inside Report ng ABS-CBN ang best male showbiz oriented talk show host samantalang si Cristy Fermin naman ang best female showbiz oriented talk show host.

  Wala si Nora Aunor na nominado para sa single performance by an actress at best drama actress. Gusto sana ni German “Kuya Germs” Moreno na makasama ito sa pagtanggap niya ng karangalan bilang natatanging artista sa TV na umabot ng 50 taon ang serbisyo sa industriya.

Showbiz nakibunyi sa panalo ni Pacman

Ikinatuwa lalo na ng mga taga-showbiz ang pa­nalo ni Manny Pacquiao kay Brandon Rios na isa palang Amerikano. Akala ko kasi Mexicano siya o Latino. Napagtanto ko lamang ito dahil ang The Star-Spangled Banner ang isa sa dalawang na­­tional anthem na kinanta ni Jessica Sanchez sa ring sa Macau na sumasagisag sa bansa na kinakata­an ni Rios. Ang isa pa ay ang Lupang Hinirang ng Pilipinas na maayos at hindi poproblemahin ng mga kinauukulan ang ginawang bersiyon na itinuturing ng mga Pinoy na kababayan natin dahil may dugo rin itong Pilipino.

ANG STAR

ARJO ATAYDE

BE CAREFUL

BEST

MARAMI

PARA

SHOW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with