^

PSN Showbiz

‘Jake hindi iprinisinta ang sarili’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng press sa akin feel nila hindi pa raw totoo ’yung pagbabati nina Jake Vargas at Ken Chan. Pero ako ang nagsabi na bati na talaga sila.

Wala namang dapat ipagsintir si Ken dahil hindi naman iprinisinta ni Jake ang sarili niya. He was truly invited sa launch at wala siyang balak na mang-agaw ng moment kay Ken.

Pokwang todo ang suporta sa future ng anak

Ang suwerte naman ng dalaga ni Pokwang. Kasalukuyan nang pinag-iipunann ng komedyante ang ipagpapatayo ng restaurant ng kanyang anak na siyang balak nitong ga­wing negosyo.  

All out si Pokey sa project ng anak dahil alam niyang seryoso ito at sisi­nupin ang perang pinaghihirapan niyang si­nupin.

Sana rin ang lahat ng anak na may gustong gawin ay meron ding mga ma­gulang na kaya silang tustusan para sila magtagumpay. Tulad ng anak ni Pokey na si Mae.

GMA hindi pa nabibigyan ng trophy

Kayong mga taga-PMPC, ba­ka ma­kalimutan n’yo, may utang kayong tropeo sa Kapuso Network bilang best station. Palagay ko tama lang na pagpantayin n’yo ang panalo ng Kapuso at Kapamilya Networks. Ayaw kong sabihin na nangunguna kami pero hindi ko rin sasabihin na nangunguna sila. Okay na sa akin na pare-pareho silang nagbibigay ng aliw sa lahat ng manonood ng TV. Pareho ring magaganda ang palabas nila at mga artista.

Ang daming nagsabi na parang ayaw ko nang isauli ang tropeo na unang tinanggap ni Bong Osorio ng ABS-CBN. Hiniram ko ito sa kanya dahil hindi ko mapi-feel ang gagawin kong pagpapasalamat kung wala akong hawak. Sa bugso ng kasiyahan ko, nakalimutan ko itong ibalik sa pinaghiraman ko. Kung hindi pa niya ito hiningi sa akin ay baka nadala ko pa.

Sorry, Mr. Osorio. PMPC promised na magpapagawa sila ng para sa amin. Wala silang reserba dahil hindi naman nila inaasahan ang mga tie-tie.

vuukle comment

AYAW

BONG OSORIO

JAKE VARGAS

KAPAMILYA NETWORKS

KAPUSO NETWORK

KEN CHAN

MR. OSORIO

POKWANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with