^

PSN Showbiz

Kylie feel maging tagapagligtas ng naaapi

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman lahat nang iniaalok na trabaho ng GMA kay Kylie Padilla ay tinanggap niya. Mayro’n din siyang tinatanggihan. Tulad ng isang napaka-dramatikong serye na humirit ng malaki sa ratings at nagtatampok ng malalaking pangalan. Ito ay sa dahilang mature ang role and would require her to pit talents sa gaganap na nanay niya sa serye. Hindi ang takot na masapawan siya ng gaganap ng nanay niya sa pag-arte kundi ang pangyayaring pag-aagawan nilang mag-ina ang atensiyon ng isang lalaki.

“Maganda ang project pero kasi ang hinihintay ko ay action na puwedeng panoorin ng mga bata. ’Yung wholesome. Kung tinanggap ko ang offer nun, baka hindi sa akin naibigay ang Adarna na talagang gustung-gusto kong gawin.

“Also, baka mahirapan akong maalis sa isipan ng mga young viewer ko ang naging role ko. Magugus­tuhan ng mga kid ang role ko na api-apihan pero ma­giging tagapagligtas ng mga naaapi. Excited na akong makitang lumilipad ako,” sabi ng young actress.

17 na gifted susundin ang ehemplo ni Dr. Rizal

Layunin ng Philippine Center for Gifted Education, isang non-government organization na pag-isahin ang mga Filipino gifted para sila ma-identify at maalagaan, academically, cognitively, emotional­ly, at ethically para sa kanilang paglaki ay maging kapaki-pakinabang silang mamamayan ng bansa.

Sa tulong ng National Historical Commission (NHC), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), at Tanghalang Pilipino, 17 gifted youth ang pinili para sundin ang mithiin at ehemplo ni Dr. Jose Rizal sa kanilang buhay. Sila ang mga kabataan mula sa grade school hanggang college sa buong bansa na outstanding sa kanilang klase at may magandang liderato. Sila ay sina Jessa Lei B. Junio, Banoar Abratigue, Jude Paolo Bognot, Camille Caba­ti­ngan, Emmanuel Prena, Peter Rapiz. Aubrey Bea­trice Carnaje, Jason Capundag, Rose Marie Largo, Leo Kevin Mante, Alexis Isabella Durog, Rhea Eladia Antido, Adriel Earl Toribio, Debra Ann Ponce, Rachelle Ang, Raijannah Ampuan, at Hazel Olive Parmes.

Ang 17 kabataan na makikilala bilang Mga Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan 2013 ay kasama sa mga magdidriwang ng International Year of Giftedness and Creativity, isang worldwide celebration na pangungunahan ng World Council for Gifted and Talented Children. Kasabay ng selebrasyon nito ang pagdiriwang din sa anibersaryo ng National Week for the Gifted and Talented (Nov. 24-30) sa pamumuno naman ng chairman ng Phi­lippine Center for Gifted Education na si Dr. Leticia Penano-Ho.

Bukod sa pagpapakilala sa 17 youth Rizal awardees ay sasailalim din sila sa isang leadership trai­n­ing at Kite for the Gifted sa Quezon Memorial Circle bilang culminating event ng selebrasyon.

Gladys nauungusan na ni Christopher sa GMA

Nakakatuwa naman ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes. Arangkada ang career nila sa Kapuso Network. Pero mukhang naungusan ni mister ang aktres.

Maganda kasi ang role ni Christopher na nabig­yan niya ng kaukulang magandang pagganap din kaya nakasisiguro siya na hindi magtatagal at agad masusundan ang Pyra, Ang Babaeng Apoy.

 

ADRIEL EARL TORIBIO

ALEXIS ISABELLA DUROG

ANG BABAENG APOY

AUBREY BEA

GIFTED

GIFTED EDUCATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with