^

PSN Showbiz

Yasmien P20K lang ang ginasta sa kasal bumawi sa binyag ng anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bongga at pinaghandaan ng husto ni Yasmien Kurdi ang first birthday ng kanyang anak na si Ayesha Zara na ginanap sa Royal Palm Residences sa Taguig City kahapon ng hapon.

Doon daw niya ibinuhos ang dapat na gagastusin nila ng asawa niyang si Rey Soldevilla sa kanilang kasal.

Masaya na raw siya sa simpleng kasal nila noon na proud pa siyang ikinuwentong P20,000 lang daw ang nagastos nila sa kanilang kasal. Feeling ni Yasmien, perfect na raw ang simpleng kasal nila noon at hindi pa nila napagplanuhan kung magkakaroon pa sila ng church wedding.

PAK: Pangako ni Regine Velasquez sa kanyang sarili na hindi siya magsusungit ngayong Pasko dahil sa pinagdaanan ng ating bansa lalo na ang duma­ting na Super Typhoon Yolanda sa Kabisayaan.

“Lalo na sa Pasko na ‘to, nakakahiyang magsungit, nakakahiyang mang-away nitong Pasko na alam natin na ang daming hindi nakakakain, ang daming nahihirapan lalo na sa bansa natin,” pahayag ng Asia’s Songbird sa launch ng bago niyang album Hulog Ka ng Langit.

Kaya ayaw na niyang patu­lan pa ang mga basher nito sa Instagram.

BOOM: Hindi naman deretsahang itinanggi ni Ryan Agoncillo ang napabalitang buntis si Judy Ann Santos.

Basta maghintay lang daw dahil hindi pa niya masabi sa ngayon kung buntis siya o hindi.

Sabi ng host ng Picture Picture: “Sa ngayon wala pa eh. Sa ngayon inconclusive pa ang mga bagay-bagay. We’re waiting to have an appointment with the doctor. Kaya sa ngayon hintay-hintay muna.”

 

AYESHA ZARA

HULOG KA

JUDY ANN SANTOS

KAYA

PASKO

PICTURE PICTURE

REGINE VELASQUEZ

REY SOLDEVILLA

ROYAL PALM RESIDENCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with