^

PSN Showbiz

Kris hands on na produ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayon pa lang ay pinapalagay na ng marami na papatok sa takilya ang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, Jr., ang My Little Bossings. Suportado rin kasi ito nina Vic Sotto at Kris Aquino.

Pinagtutuunan ng mga producer na OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions na hindi lang basta makapagpasaya kundi mabigyan pa ng kalidad ang pelikula sa pamamagitan ng mga leksiyon sa buhay. Naniniwala naman sila sa kakayahan ni Ryzza Mae at sa charm ni Bimby na ngayon pa lang lalabas sa isang buong pelikula.

Kitang-kita naman ang chemistry ng dalawa ng direktor na si Marlon Rivera kahit magkaiba pa ng pinagmulan sa buhay ang mga child star.

“Ryzza does not speak much English while Bimby does not speak much Tagalog. Sobrang cute nila lalo na kapag nag-uusap na silang dalawa. Sa bandang huli, Ryzza ends up teaching Bimby Tagalog words while Bimby teaches Ryzza English words,” sabi ni Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films.

Masayang-masaya rin si Bossing Vic sa ilang beses nilang pagsasama sa shooting. “Nakakatuwa talaga ’yung dalawang bata. They complement each other so well. You can see that when you watch the movie. Nagtuturuan, nagtatawanan, sabay napapagod, sabay nagugutom. Masaya lang kami sa set. Para lang kaming laging naglalaro,” kuwento niya.
Si Kris naman ay very hands on bilang produ. Siya rin ang in charge sa personal stylist at make-up artist ng bunsong si Bimby na mukha talagang rich boy.

Mapapanood din sa My Little Bossings sina Aiza Seguerra, Jaclyn Jose, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, Neil Coleta, at Neil Sese sa ginawang screenplay ni Bibeth Orteza.

Abangan kung paano magtatagpo ang landas ng mayamang si Bimby at ng mahirap na si Ryzza Mae sa istorya. Sa Pasko na!

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BARBIE FORTEZA

BIBETH ORTEZA

BIMBY

BIMBY TAGALOG

BIMBY YAP

BOSS ORLY ILACAD

BOSSING VIC

MY LITTLE BOSSINGS

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with