^

PSN Showbiz

‘Hindi naman ako tanga para ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na pagtatawanan ako’: Piolo ayaw sa role na bakla

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay ginanap sa Bonifacio Glo­bal City, Taguig City ang SunPiology Fun Run na pinangunahan ni Piolo Pascual. Isa si Piolo sa mga pinakamagagaling na aktor sa kanyang henerasyon. Iba’t ibang karakter na ang nagampanan niya pero hindi raw bukas si Piolo sa pagtanggap ng gay roles.

“Siguro hindi naman ako tanga para ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na pagtatawanan ako at pag-iisipan ako ng hindi maganda. Parang hindi ko na kailangan ng isa pang intriga para sumikat pa,” pahayag ni Piolo.

Mapili na raw talaga ngayon ang aktor sa pagtanggap ng mga proyekto lalo pa’t maganda ang kinalabasan ng huli niyang pelikulang On the Job.

Umani ng maraming parangal ang pelikula sa loob at labas ng bansa. Malaki ang pasasalamat ni Piolo sa lahat ng tumangkilik sa On the Job kahit hindi pa gaanong sanay ang manonood sa tema ng pelikula.

Ngayon ay abala si Piolo sa shooting ng pelikula nila ni Toni Gonzaga na Unlove You.

“Gusto ko piliin ’yung mga trabaho na tatanggapin ko. Actually, nagtaka nga ako, ’yung movie with Toni ayaw ko na kasing gumawa ng rom-com (romantic-comedy) pero this one naman kasi romantic drama. And how can you say no to Direk Olive Lamasan (direktor ng pelikula) and Toni Gonzaga?” giit pa ni Piolo.

Jessy game makipag-datesa Teng brothers

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan nina Pokwang, Enchong Dee, at Jessy Mendiola. Ayon kay Jessy, nahirapan siya sa nasabing proyekto dahil hindi siya marunong mag-comedy.

“Dramedy kasi siya. So, ako ’yung drama sa comedy pero nakakatuwa kasi it’s a new experience na puro comedians ang kasama mo at very well known comedians. Nahirapan ako makipagsabayan kasi nasanay ako ng drama pero tinulungan nila ako at nasanay ako sa pagiging spontaneous sa comedy. So dire-diretso na rin naman hanggang sa ending ng movie,” kuwento ni Jessy.

Samantala, kamakailan ay nagpahayag ng kanilang nararamdaman para sa dalaga sina Jake Cuenca at Sam Milby pero ayon sa young actress ay mas malapit siya sa Fil-Am actor ngayon.

“I can say na oo naman kasi ilang months na siyang nanliligaw. Kumbaga si Sam he knows a lot about me, I know a lot about him, normal courting stage. He is very consistent, kahit na nasa States siya,” pagtatapat ng aktres.

Maging ang magkapatid na basketbolistang sina Jeric at Jeron Teng ay aminadong gusto rin si Jessy at ayon sa dalaga ay posible naman siyang makipag-date kung imbitahan siya ng magkapatid.

“Why not? I mean there is nothing wrong going out on a date or going out as friends but for now I am not really ready muna for a serious relationship because I am taking my work very seriously,” pagtatapos ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

BONIFACIO GLO

CALL CENTER GIRL

DIREK OLIVE LAMASAN

ENCHONG DEE

JESSY

ON THE JOB

PIOLO

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with