^

PSN Showbiz

Jinkee wini-wish na lalaki ang ipinagbubuntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dasal ang hinihiling ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao mula sa ating mga kababayan.

Live from Macau ang interbyu kahapon ng Startalk sa mag-dyowa at isa lang ang request nila, ang ipagdasal ang tagumpay ni Papa Manny sa laban nito ngayong umaga kay Brandon Rios.

Sigurado ako na marami ang magdarasal na mag-win si Papa Manny, as in buong Pilipinas, dahil mahalagang-mahalaga para sa ating bayan na manalo siya. Nakaplano na ang pagpunta ni Papa Manny sa Eastern Visayas pagkatapos ng laban nila ni Rios.

Three months pregnant si Jinkee pero hindi pa niya alam ang kasarian ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Kung si Jinkee ang tatanungin, baby boy uli ang gusto niya na maging ika-limang anak nila ni Papa Manny. Hindi na siya nagpaliwanag kung bakit dahil mas importante na normal at malusog ang bagets.

Kasama ng mag-asawa sa Macau si Mommy Dionisia Pacquiao. Ang sey ni Papa Manny, ayaw magpatalo ng kanyang karakter na ina. Lumipad si Mommy Dionisia para suportahan ang laban ng Pambansang Kamao.

Freddie walang paki sa mga bumabatikos sa kasal sa child bride

Ikinasal na sa isang Muslim rites noong Biyernes si Freddie Aguilar at ang kanyang 16-year-old girlfriend.

Dedma si Papa Freddie sa mga bumabatikos sa love affair nila ng bagets. Wala raw siyang pakialam sa detractors niya dahil hindi naman daw ang mga ito ang nagpapakain sa kanya.

Hindi ipinakita ng Startalk ang mukha ng child bride ni Papa Freddie dahil menor de edad pa rin siya. Pinili ni Papa Freddie na maging Muslim para makapagpakasal sila ng kanyang girlfriend. Ganyan kadakila ang pagmamahal niya.

Pia Moran kinorek ang uri ng tinitinda

Si Pia Moran ang dating sikat na sexy star na natsitsismis na nagtitinda sa talipapa. Pinabulaanan ni Pia ang tsismis dahil ang pagbabantay sa kanyang sari-sari store ang pinagkakaabalahan niya, hindi ang pagbebenta sa talipapa.

At kung true man ang tsismis, walang masama sa pagtitinda sa palengke dahil marangal ito na trabaho. Mas mabuti na ang magbenta ng mga paninda kesa katawan ang ipagbili ’no?! Imbes na siraan, dapat hangaan si Pia dahil marangal ang ikinabubuhay niya.

Salamat sa nominasyon PMPC!

Sa maniwala kayo o hindi, nominated ako sa Star Aw ards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Nominated din ang aking Startalk co-host na si Ricky Lo.

Nominado ako sa best female showbiz-oriented talk show host category, kahit puro pagbati lang ang ginagawa ko sa aming TV show na 18 years na sa telebisyon. Nominated naman sa kategorya ng best male showbiz-oriented talk show host si Papa Ricky.

Hindi ako umaasa na mananalo at kung mag-win ako, baka magtaka pa ako at ’yon ang maging dahilan para mawalan ng credibility ang Star Awards for TV.

Manalo man o matalo ako, nagpapasalamat ako sa nominasyon na ipinagkaloob sa akin ng mga member ng PMPC, hitsurang tawang-tawa ako. Ipinapaabot din ni Papa Ricky sa PMPC ang kanyang taos-puso na pasasalamat sa mga naniwala sa aming kakayahan! Naniwala raw o!

Ngayong gabi ang Star Awards for TV sa FAP Theater, Camp Aguinaldo sa Quezon City pero next Sunday pa, Dec.1, ang airing ng awards night sa ABS-CBN.

 Mga host ng Star Awards for TV ang magkakapatid na Richard at Raymond Gutierrez, Toni at Alex Gonzaga.

Ipe may k na pumunta sa Macau

May karapatan si Phillip Salvador na manood ng laban nina Congressman Manny Pacquiao at Brandon Rios dahil matalik na kaibigan siya ng Pambansang Kamao.

Bumiyahe kahapon si Ipe sa Macau para suportahan ang laban ng kanyang kaibigan. Nakasabay ni Ipe sa biyahe sina Ruffa Gutierrez at Sarah Lahbati. Kabilang sila sa maraming showbiz personalities na lumipad sa Macau para personal na saksihan ang pagbabalik ni Papa Manny sa boxing ring.

Inaasahan na maluwag ngayon ang traffic situation sa Metro Manila dahil nakaabang ang lahat sa magiging resulta ng laban nina Papa Manny at Rios.

Bukod sa maluwag na daloy ng trapiko, walang mga report na krimen sa tuwing may laban si Papa Manny.

Nasubukan ang pagkakaisa ng mga Pilipino nang manalanta si Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas at muling masusubok ang unity ng mga Pinoy sa laban ni Papa Manny kay Rios.

 

AKO

BRANDON RIOS

DAHIL

MACAU

MANNY

PAPA

PAPA FREDDIE

PAPA MANNY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with