^

PSN Showbiz

Judy Ann pinagbe-bed rest, buntis?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na ang pilot episode ng bagong game show ng GMA 7 na iho-host ni Ryan Agoncillo, ang Picture Picture.

Tuwang-tuwa ang production staff kay Ryan dahil ang galing nito at siya mismo ay nagri-research sa mga question para sa game.

Impressive ang set at nakaka-tense ang simula pa lang na paglalabanan nina Mark Herras, Rochelle Pangilinan, Wynwyn Marquez, at Rodjun Cruz.

Halos hindi sila makasayaw sa sob­rang tensyon, na tiyak kagigiliwan ng mga manonood. Abangan mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

PAK: Hindi akalain ni Chanda Romero na sa edad niyang 59 ay magiging misis pa siya.

Pagkatapos ng My Husband’s Lover, nag­pakasal si Chanda sa isang Cebuanong si Jose Mari “Mayi” Alejandrino na pitong taon na pala niyang boyfriend.

Itinaon lang ni Chanda sa selebrasyon ng 80th birthday ng kanyang ina ang civil wedding na na-officiate ni Mayor Mike Rama. Surprise pala iyon sa mommy niya kaya tuwang-tuwa ang kanyang ina sa magandang birthday gift ng aktres.

Itong napangasawa ni Chanda ay anak ng lider ng isang malaking religious group sa Cebu at noon pa man ay gustung-gusto na raw siyang pakasalan.

“Akala ko eternally single na ko eh. So, hindi na ako puwedeng magmalaki ngayon na single pa rin ako,” natatawa niyang pahayag.

BOOM: Pinabulaanan ng kampo ni Judy Ann Santos ang nakarating sa amin na balitang nagdadalangtao na uli ang Kapamilya actress.

Ang nasagap naming kuwento, pinag-bed rest daw si Juday dahil sa maselang kalagayan nito.

Pero nang nakausap namin ang business manager niyang si Jane, sa pagkakaalam daw niya ay hindi buntis si Juday kahit gustung-gusto na nitong magkaroon ng kapatid si Lucho.

 Naikuwento nga ni Ryan na nakikita raw nila kay Lucho na gusto na maging kuya kaya hoping daw silang makabuo muli.

Kung ano raw ang ipag-adya ng Diyos, tatanggapin nila.

CHANDA

CHANDA ROMERO

JOSE MARI

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

LUCHO

MARK HERRAS

MAYOR MIKE RAMA

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with