^

PSN Showbiz

Marian binabatikos sa tagline ‘Pinakamagandang babae sa Ibabaw ng Mundo’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

This Friday malalaman ang final title ng new soap ni Marian Rivera, kung ire-retain ang Catarina, kung gagawing Catalina o papalitan ng iba pang pangalan ng babae. Ang hindi mapapalitan ay ang tagline ng title na “Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo.”

May mga nagre-react na sa tagline lalo na ang bashers ni Marian pero walang care ang production staff at ang head writer nitong si Suzette Doctolero.

Balik-GMA 7 si Agot Isidro dahil kasama siya sa cast bilang ina ni Marian at excited ito sa kanyang role dahil challenging. Natutuwa rin si Agot dahil ang production ng My Husband’s Lover ang nasa likod ng soap ni Marian.

Mas maraming babae sa cast dahil bukod kay Agot, narito sina Max Collins, Rochelle Pangilinan, Ana Feleo, at Jennica Garcia. Sa lalaki, sina Alden Richards at Roi Vinzon lang ang alam namin at isa pang leading man ni Marian na sikreto pa.

Mark Anthony type na type ang teenager na si Yassi!

Hindi namin alam kung seryoso o biniro lang ni Mark Anthony Fernandez ang press sa inaming nagka-crush siya kay Yassi Pressman, isa sa mga GMA Artist Center talent. Kung kinailangan niyang mag-sprint para mapansin ni Yassi ay gagawin niya raw at ang suwerte aniya ng boyfriend nitong si Sef Cadayona. Puwede raw silang love triangle nina Yassi at Sef. ’Kaloka si Mark Anthony!

   Nakita lang niya ang Kapuso teen actress bago siya ma-interview para sa bagong soap na Rhodora X at ayun na, wala na siyang bukambibig kundi si Yassi. Sa sinabing malaki ang agwat ng edad nila, sabi ng aktor, 33 years old lang siya at bagay pa rin kung 19 years old si Yassi.

Ayaw paawat ni Mark kahit bi­nirong aawayin siya ng kanyang asawa at kahit sinabing teenager na ang anak na babaeng si Chelsea. Tuloy pa rin ang pagbanggit kay Yassi.

Bakit hindi isama sa cast ang dalaga para matuwa ang aktor?

Anyway, masaya si Mark Anthony na mapasama sa cast ng Rhodora X at makatrabaho sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Mark Herras.

Jenny Miller ayaw ipilit ang sarili kay Claudine

Biglang nawala sa mga eksena ni Claudine Bar­retto si Jenny Miller na alam na very close sa kanya. Ten years silang magkaibigan at ninang pa yata sa kasal ni Jenny si Claudine pero ngayon ay hindi na siya nakikitang kasama ni Claudine.

Nasagot ang tanong namin nang makausap si Jenny sa taping ng Pyra, Ang Babaeng Apoy na kasama na siya sa cast mula pa week nine. Hindi rin alam ng aktres kung ano ang nangyari sa friendship nila ni Claudine at nawalan sila bigla ng komunikas­yon. Intriguing ang sinabi nitong hindi siya ang klase ng kaibigan na ipinipilit ang sarili. Siya raw ay walang tampo kay Claudine. Ang hindi niya alam kung may tampo ito sa kanya.

Dagdag pa ni Jenny, mahal niya ang lahat ng Barretto at friend niya si Raymart Santiago, kaya ayaw niyang makigulo at ma-involve.

Wish nitong malagpasan ni Claudine lahat ang hindi magandang pinagdadaanan.

Hosts ng UH hanggang ngayon na lang ang pa-bidding

Hanggang ngayong araw na lang ang Unang Hirit Online Auction para sa biktima ng bagyong Yolanda. May chance ang viewers na magkaroon ng gamit ng hosts. Designer clothes, shoes, bags, at accessories nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Connie Sison, Ivan Mayrina, Suzi Abrera, Lyn Ching, Pia Arcanghel, Luane Dy, Atty. Gaby Roldan Concepcion, Olen Juarez-Lim, Monica Verallo, at Lhar Santiago ang ipinapa-auction.

Para makasali sa online auction, i-like ang Facebook Page ng Unang Hirit. Para mag-bid, mag-iwan ng comment sa ilalim ng litrato ng item na gustong bilhin.

Magsasara ang bidding ng 6 p.m. Kokontakin ang highest bidder.

Lovi first time magpapasko sa US

Kahapon, sa Bench Fix ay nagpagupit si Lovi Poe bilang paghahanda sa transformation ng karak­ter niyang si Lovelia sa Akin Pa Rin ang Bukas. Gusto nitong palabasing siya ang gumupit ng buhok para ipakita ang kanyang galit sa mga umaapi sa kanya at ayusin na lang ang gupit sa salon. Alamin natin kung pumayag si Direk Laurice Guillen sa suhestiyon niya.

Sa San Francisco, California magpa-Pasko si Lovi kasama ang ina dahil naroon ang sister niya at hindi niya kayang hindi niya ito kasama sa Pasko. First white Christmas ito ng aktres kaya excited pero sa Pilipinas siya magnyu-New Year.

Samantala, natuwa si Lovi nang nalamang nag-tweet nang pakikisimpatiya sa bansa ang favorite singer niyang si Sarah Bareilles at gustong mabasa ang tweet nito patungkol sa Pilipinas at mga biktima ng Yolanda.

vuukle comment

CLAUDINE

JENNY MILLER

LOVI

MARK ANTHONY

NIYA

SIYA

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with