Dating sexy star hindi kataka-takang tuyot na ang hitsura
Hindi ako na-shock nang makita ko ang litrato ng isang dating sexy star. Bakit ako magtataka o magugulat eh alam naman ng lahat na na-hook siya noon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot?
Natural lang na maging tuyot at matanda ang itsura ng sexy star na Inglisera dahil nagpabaya siya sa katawan at career. Hindi niya pinahalagahan ang malalaÂking opportunity na ibinigay sa kanya.
Naging mabuti ang entertainment industry sa sexy star pero hindi niya na-handle ang success. Gumamit siya ng illegal drugs na ikinabagsak ng kanyang career.
Mahihirapan na siya na ibalik ang dating ningning ng career dahil sirang-sira ang kanyang image at siya rin ang dapat sisihin.
Trahedya sa Tacloban hindi na bago
Nalaman ko sa direktor na si Chito Roño na dati na palang nabura sa mapa ang Tacloban City dahil sa malakas na bagyo noong 1897.
Marami ang namatay at nawalan ng mga ari-arian pero nakabangon ang TacÂloban City, pati ang ibang mga bayan sa Leyte. Documented ng mga lumang diyaryo ang nangyari. Lumabas ang balita sa mga US newspaper noong araw.
Ang ibig sabihin, hindi na bago ang pagdalaw ng malaÂkas na bagyo sa Tacloban City at mga karatig na bayan. Talagang history repeats itself.
Kung nakabangon noon ang Tacloban City, siguradong makaÂbaÂbangon ito sa pinsala na iniwan ng typhoon Yolanda.
Naniniwala ako sa sinabi ni Kring-Kring Gonzales na kapag bumangon ang Tacloban City, mas maganda ito kumpara sa dati at sana nga, mapadali ang rehabilitation, pati na sa ibang mga bayan na naapektuhan ng malakas na bagyo.
Anderson paulit-ulit ang sinasabi sa Pilipinas
Nag-iwan ng malalim na marka sa puso at isip ni Papa Anderson Cooper ang magandang ugali ng mga Pilipino.
Paulit-ulit na sinasabi ni Papa Anderson sa kanyang TV appearances ang good traits ng mga Pinoy na naranasan niya nang magpunta siya sa TacloÂban City.
Overwhelmed na overwhelmed si Papa Anderson sa magandang pakikitungo sa kanya ng mga Pilipino. Bayani ang turing sa kanya at puro papuri ang mga mababasa sa Twitter at Instagram accounts niya.
Hindi ako magugulat kung bumalik sa Pilipinas si Papa Anderson. Sana nga, bumalik siya para magbakasyon at maramdaman niya uli ang hospitality ng mga Pilipino.
Richard at Raymond bihirang makitang magkasama sa trabaho
Ang magkapatid na Richard at Raymond Gutierrez ang mga host ng Star Awards for Television na gaganapin sa December 1 sa AFP Theater. Makakasama nila ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.
Ang pagpayag nila na mag-host ng Star Awards for TV ang bihirang pagkakataon na makikita na magkasama sa isang hosting job ang twin brothers.
Nagsimula na nga pala noong Miyerkules ang shooting ng Overtime, ang action movie ni Richard Gutierrez sa GMA Films.
Si Lauren Young ang lucky girl na napili para maging leading lady ni Richard.
- Latest