^

PSN Showbiz

Marian gandang-ganda sa Vigan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit na tinanggap ng mga Bigueño at Camiguinon ang naglalakihang Kapuso stars na dumayo sa Vigan at sa Camiguin para makibahagi sa idinaos na Raniag Twilight at Lanzones Festivals.

Excited na dumating ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Heritage City ng Vigan. “First time ko rito. Natutuwa ako kasi nakikita ko lang ito dati sa pictures, ang ganda kasi parang sinaunang panahon.

“Masarap daw ‘yung empanada rito, mga bagnet, mga longganisa, so excited akong mamili.”

Noong October 27, hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makilala ang mga tagahanga niya sa Vigan. Hindi rin naman siya binigo ng mga Bigueño dahil ‘di mahulugang karayom ang harap ng Vigan City Hall para sa Kapuso Fans’ Day ng aktres. “Masaya ako at isa ito sa mga pagkakataon na inaamin kong naiiyak ako dahil hindi ko alam na ganun palang klase ang pagmamahal talaga sa akin ng mga tao.”  

Kaya naman kahit pa magiging abala na naman si Marian paparating n’yang projects, “Ngayong November gagawin ko na ‘yung soap opera ko sa GMA Telebabad so malapit na malapit na ‘yan,” siniguro niyang mapupuntahan niya ang Vigan.

Ilang oras naman bago ang nasabing Fans’ Day, ginanap ang unveiling ng giant Christmas tree kasabay ng pagdiriwang ng ika-apat na Raniag Twilight Festival. Ang 5-layer at 14.7 meters na Christmas tree na nakatayo sa Plaza Salcedo ay isang “animated representation of the sites and traditions” ng siyudad.

Noong October 26 naman, ang cast ng afternoon drama series na Pyra ang nagbigay-liwanag sa mga kalye ng Vigan nang sumama sila sa Raniag Twilight Parade. Pinangunahan ito nina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Elle Ramirez, at Zandra Summer.

Kaagad din itong sinundan ng Kapuso Night kung saan sinamahan sila nina Angelu de Leon, Mike Tan, Jackie Rice, Kevin Santos at ng mga komedyanteng sina Pekto at Boobay.

Hindi naman makapaniwala si Thea sa nasaksihang pagtanggap sa kanila ng mga Bigueño,“Dito nalalaman namin kung gaano kami sinusubaybayan ng mga tao, ‘yung pangalan namin, ‘yung characters namin, naririnig namin, kaya sobrang nakakatuwa,” pahayag ni Thea na first time rin sa Vigan.

Kasabay nito ay idinaos din sa Camiguin ang taunang Lanzones Festival kung saan nagpapasalamat ang mga mamayan dito sa masaganang ani ng isla.

Sinimulan ito ng Mutya ng Buahanan 2013 beauty pageant sa Provincial Tourism Center na dinaluhan ng GMA Artist Center talent na si Derrick Monasterio.

At noong October 27, ang lead actress ng GMA primetime drama series na Genesis na si Rhian Ramos naman ang bumida sa isang Kapuso Night sa parehong venue. Isa ring first-timer sa isla ng Camiguin, na-appreciate din ni Rhian ang magiliw na pagtanggap ng mga Camiguinon, “Dito hindi masyado mahiyain ang mga tao and very polite din. Everyone’s just so friendly wherever I go.”

Kasama niya sa nasabing Kapuso Night para sa mga Camiguinon sina Bea Binene, Ken Chan, at Gladys Guevarra.

Ang highlights ng pakikiisa ng GMA Network sa Lanzones Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special sa darating na November 24 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao , Iloilo , Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod , at CDO.

 

BIGUE

CAMIGUIN

CAMIGUINON

KAPUSO NIGHT

LANZONES FESTIVAL

NOONG OCTOBER

VIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with