Mga artista hindi dapat paapekto sa mga naninira
Naiinis na ba ang mga artista sa mga bashers nila na walang ginagawa kung ‘di ang punahin ang pagtulong nila sa mga biktima ng Yolanda? Huwag n’yo na lang silang pansinin dahil wala lang silang magawa.
I’m sure maski sila ay walang mabuting ginagawa para sa ating mga kababayan na nagdurusa. Sa pagba-bash lang nila pinalilipas ang makabuluhang oras sana nila para makatulong.
Kung dito sila masaya, eh hayaan n’yo na sila. Hindi n’yo naman kailangang basahin ang mga ipinost nila.
Kris nagpapaliwanag
Tama lang ang presidential sister sa kanyang ginagawang patuloy na pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.
Wala naman siyang obligasyon na ipaliwanag ang mga kakulangan ng gobÂyerno na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si PNoy. Marami sila sa pamahalaan na puwedeng gumawa nito. Isa pa, kaya naman ni P-Noy na ipagtanggol ang kanyang sarili.
Ipagpatuloy na lamang ni Kris Aquino ang kanyang ginagawa at kahit na ano pang pagpuna ang gawin ng marami, ang mas mahalaga ay tumutulong siya at nakikita naman ito ng maraming nanonood lamang.
Jestoni hindi naniniwalang crush ni Pokwang
Isa sa mga matagal nang actor si Jestoni Alarcon na parang namintina ang kanyang youthful looks. Hindi ako magtataka kung bakit hindi mamatay-matay ang pagkaka-crush sa kanya ni Pokwang. At ang pagkakapareha nila sa Call Center Girl ang nagbigay ng inspirasyon sa komedyante para paghusayan pa ang kanyang trabaho. Elated si Jestoni nang mabalitaan ang hayagang pagsasabi ni Pokwang ng pagkakaroon nito ng crush sa kanya, pero sinabi rin niya na baka nagbibiro lang ang komedyana.
Ian Veneracion parang kuya lang ni Daniel ang hitsura
Ewan ko, pero ‘di ba ang guwapu-guwapo pa rin ni Ian Veneracion sa Got to Believe o G2B? Parang walang dumaan na mahabang panahon sa kanya.
Kahit na ang role niya ay bilang ama ni Daniel Padilla, parang mag-kuya lang sila sa serye. Bagay na bagay sa kanya to play the role of a successful executive.
- Latest