^

PSN Showbiz

Pagkain at tubig unahin nang i-deliver! Mga donasyon na tinatanggap ng ABS-CBN at GMA, umaapaw na

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nadaanan ko ’yung mga bodega ng both ABS-CBN at GMA na tumatanggap ng mga donasyon para sa mga biktima at survivor ni Yolanda at talaga namang nagulat ako sa rami ng mga donasyon, umaabot na ng langit. Siguro dapat munang itigil nila ang pagtanggap ng donasyon, lalo na ng mga pagkain dahil baka hindi agad mai-deliver ay masira lamang ang mga ’yun na nakatambak lamang sa mga gilid ng kalsada.

Maski na ang mga bottled water ay baka mapanis din at baka ’yung mga biscuit at noodles ay mangadurog lamang at magmistulang asin o paminta na lamang. Kapag nai-deliver ng lahat eh saka humingi muli ng donasyon.

Nora sangkot na naman sa hindi magandang kuwento

Si Nora Aunor naman umaagaw pa ng pansin sa kaguluhan na dulot ng Yolanda. Bakit ang abogado niyang si Atty. Ferdinand Topacio ang tinawagan niya at hindi ang TV5? Kayang-kaya nitong balikatin ang halaga ng pagkakautang niya sa kanyang tinutuluyan at awasin na lamang sa kanyang kikitain sa kanyang mga proyekto sa istasyon.

Para sa isang artista na may mataas na estado na tulad niya, parang nakakahiya na magkaroon siya ng ganung problema dahil siguro naman may project man siya o wala ay may suweldo siya na regular na tinatanggap mula sa TV5.

Sana maiwasan na ang mga ganitong hindi magandang kuwento para sa isang Superstar.

                                             

 

BAKIT

FERDINAND TOPACIO

KAPAG

KAYANG

MASKI

NORA

SI NORA AUNOR

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with