^

PSN Showbiz

Korina naglilibot daw sa mga binagyo! Jinkee namamaga na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang paliwanag ni Korina Sanchez sa kanyang radio program na inawat siya ng ABS-CBN na magpunta sa Tacloban City, Leyte.

Hindi raw siya napapanood sa TV Patrol dahil nag-iikot sila ng kanyang crew sa Western Visayas para sa special report ng Rated K tungkol sa mga bayan na apektado ng Typhoon Yolanda.

SCENE: Poor copycat ni Korina Sanchez si Jasmin Romero na may mababaw na opinyon tungkol sa kalamidad sa Western Visayas.

Si Jasmin ang humalili kay Korina habang bakasyon ito sa radyo at telebisyon.

SEEN: Hindi masyadong binigyan ng atensiyon ang pagpunta ni Congressman Manny Pacquiao sa Macau para sa laban nila ni Brandon Rios dahil nakatutok ang lahat sa relief and rescue operations sa Western Visayas.

SCENE: Bloated ang mukha ni Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao dahil buntis siya sa panglimang anak nila ni Rep. Manny Pacquiao.

SEEN: Letter F ang madalas na pronunciation ni Ara Arida sa mga salita na may letter P. “Philifines” ang kadalasan na bigkas ni Ara sa Philippines.

SCENE: Viral na ang video ng pangangampanya ni Kris Aquino noong May 2013 sa mayoralty candidate na sinusuportahan ni President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III at nagpapatunay ng direktang pag-ayaw ng pangulo kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

SEEN: Kitang-kita ang kulay ng pulitika sa meeting kahapon nina President BS Aquino, Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Kulay dilaw ang T-shirt na suot nina President BS at Sec. Mar, orange naman ang kulay ng T-shirt ni Romualdez.

SCENE: Ngayong gabi ang Sayaw Pilipinas, ang benefit concert ng selected GMA 7 stars sa Zirkoh Morato sa Quezon City para sa Typhoon Yolanda victims.

AQUINO

ARA ARIDA

BRANDON RIOS

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

JASMIN ROMERO

KORINA SANCHEZ

TACLOBAN CITY MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

TYPHOON YOLANDA

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with