^

PSN Showbiz

Kylie bawal dalawin ni Aljur habang nagtatrabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang alam ni Kylie Padilla, sa Thursday o baka Friday lumabas ang karakter niyang si Ada sa Adarna dahil ang batang Ada at batang Migo (Geof Eigenmann) muna ang mapapanood mula kahapon. Sobrang tuwa nito sa bagong project dahil fantaserye na maraming action scenes at matagal na nitong gustong gumawa ng action.

Hindi pa nakukunan ni Direk Ricky Davao ang eksenang lilipad siya na may pakpak, pero isinukat na niya ang gagamiting pakpak na magaan lang daw. Pinaghandaan na rin nito ang mga eksenang magha-harness siya.

Sabi ni Direk Ricky, bawal ang dalaw sa taping at naiintindihan ni Kylie ito kaya hindi siya puwedeng bisitahin ng BF na si Aljur Abrenica na “Mahal” kung tawagin niya.

Hindi nanonood ng Prin­sesa ng Buhay Ko si Kylie hindi dahil nagseselos siya sa sweetness nina Aljur at Kris Bernal, passionate at di­ni­dibdib lang daw niya  ang mga napapanood (selos na rin ‘yun). In fact, sa concert ni Aljur, nakulangan siya sa sweetness ng dalawa. Gusto rin niyang makisigaw ng “kiss” na request ng audience.

Gusto rin ni Kylie na lumabas ng Music Museum nang may request na ng kiss ang audience dahil nahalata niyang conscious si Kris, pero baka raw isipin nitong nag-walkout siya, so stay na lang siya sa kanyang seat.

Dennis ipapakilala na ni Tom sa mga magulang

Bukas na ang alis nina Dennis Trillo at Tom Rod­riguez at ibang kasama sa MHL US Tour  na magsisimula sa November 22 sa San Mateo Perfor­ming Arts Center, San Francisco, California, at mag­ta­tapos sa December 7 sa Lawndale, California.

Excited na si Tom na pumunta ng States at maki­ta ang family after more than two years at mag-per­form para sa kanila. Buong pamilya ang manonood at excited na raw ang mga Mott na makilala si Dennis. Biniro namin si Popoy Caritativo na meet the parents part two ang drama dahil na-meet na rin dito ni Tom ang parents ni Dennis sa premiere night ng Sapi.

Bago umalis, pumirma muna ng one year contract sa MyPhone sina Dennis at Tom dahil sila ang bagong dagdag na endorsers ng brand ng celfone.

Also, may title na ang movie sa Regal Entertainment nina Dennis at Maja Salvador. Sabi ni director Dondon Santos, Maybe This Time ang title, hindi lang nasunod ang plano na end ng November simulan ang shooting.

Siyanga pala, nagkita kaya sina Dennis at Jennylyn Mercado sa telethon ng GMA 7 last Sunday? Nagbatian o nagtinginan kaya ang dala­wa? Curious lang!

Gian at Frencheska todo ang halikan

Ang daming kissing scenes nina Gian Magda­ngal at Frencheska Farr sa Grease, hindi kaya sila magka-developan dahil up to December pa ang musical at maraming kissing scenes pa ang gagawin nila’t may matinee show pa.

Walang BF si Frencheska, kay Gian may nali-link after nilang maghiwalay ni Sheree at friend sila ni Frencheska.  

Ang huhusay ng cast ng Grease mula sa bidang sina Gian, Frencheska, Rafa Siguion Reyna, at Iya Villania hanggang sa second lead at supporting cast, gusto nga naming ulitin panoorin. 

Midnight snack ni Mikael apektado sa Yolanda

May paliwanag si Mikael Daez kung bakit ilang linggo nang hindi napapanood sa Saksi ang segment niyang Midnight Snack. Nagdesisyon daw ang GMA 7 na ‘wag munang iere ang nasabing segment habang nasa gitna pa ang bansa sa pagtulong sa mga biktima ng super typhoon na si Yolanda.

Ibabalik din ang segment niya lalo’t marami ang na­kaka-miss dito. Pinaabangan nga ni Mikael ang four episodes na kinunan sa London. Tsika nito, nagpa­tulong siya kay Miss World Megan Young kung saang restaurants siya puwedeng kumain, kaso sa hotel lang ito kumakain, kaya siya na ang nag­hanap ng restos.

vuukle comment

ADA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARTS CENTER

BUHAY KO

FRENCHESKA

GIAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with