Joey de Leon hinahanap si Anderson Cooper, gustong magpa-picture
Idol na idol ni Papa Joey de Leon si Anderson Cooper. Gustong malaman ni Papa Joey ang kinaroroonan ni Papa Anderson dahil pupuntahan niya para makapagpakuha siya ng litrato na magkasama sila.
Bilib na bilib si Papa Joey sa pagre-report na ginawa ni Papa Anderson sa CNN tungkol sa kalagayan ng mga kababayan natin sa TacÂloban City sa Leyte.
May album si Papa Joey pero piÂling-pili ang mga litrato na inilalagay niya at kabilang dito ang picture na magkasama sila ni Mang Dolphy. ‘Yung isa naman, si Charice noong hindi pa ito naglaladlad.
Hindi ko rin alam ang location ngayon ni Papa Anderson. Puwedeng nakabalik na siya sa Amerika pero nag-report pa si Papa Anderson ng live mula sa isang undisclosed place sa Maynila noong Sabado.
Napuyat-puyat ako noong Sabado ng gabi dahil sa paghihintay sa bagong report ni Papa Anderson Cooper pero nabigo ako.
Kahapon ko lang nalaman na mula Lunes hanggang Biyernes lang ang programa ni Papa Anderson sa CNN, ang AC 360 kaya hindi ko siya nasilayan sa TV noong Saturday night.
Eh Monday na ngayon sa Pilipinas. Hindi ko pa rin mapapanood ang programa ni Papa Anderson sa CNN dahil Linggo pa lamang ngayon sa US. Excited na ako sa mga bagong balita niya tungkol sa Pilipinas. Gusto ko ring malaman kung nakabalik na siya sa Amerika dahil kung hindi pa, may chance si Papa Joey na ma-locate si Papa Anderson at matupad ang kanyang pinapaÂngarap na photo opportunity.
Heart pinaghandaan ang anniversary ng Startalk
Isang oras at kalahati lang ang Startalk pero tatlong beses na nag-costume change si Heart Evangelista, ang guest co-host namin noong Sabado.
Ang sabi ni Heart kay Papa Joey, pinaghandaan niya ang anniversary episode ng Startalk dahil sa sobrang pagmamahal sa aming show.
Si Papa Joey ang unang nakapansin sa madalas na pagpunta ni Heart sa backstage. ‘Yun pala, nagpalit siya ng damit at hairstyle. Muntik na nga akong ma-insecure dahil tinalbugan niya ako. Eighteen years na ako sa Startalk pero ni minsan ay hindi ko pa naranasan na magpalit ng damit, kahit dalawa. Nag-dialogue nga ako na ang landi-landi ni Heart dahil palit siya nang palit ng damit huh!
Government officials hindi raw natutuwa
Nakakalungkot naman ang balita na hindi raw natuwa ang government officials sa report ng isang broadcast journalist tungkol sa mga nangyayari sa TacÂloban City.
Walang kasalanan ang broadcast journalist dahil ibinalita lamang niya ang nakita ng kanyang mga mata. Hindi siya nag-imbento kaya unfair ang balita na narinig ko na hindi tutulungan ng mga government agency ang kanyang foundation.
Hindi nawawalan ng tinutulungan ang broadcast journalist. Araw-araw mahaba ang pila ng mga kababayan natin na nagpupunta sa kanyang opisina at humihingi ng lahat ng uri ng assistance.
‘Mataas ang respeto ko sa mga artistang tumutulong na hindi nagdadaldal’
Naku ha, nawalan ako ng boses kahapon dahil hindi napahinga ang lalamunan ko sa anniversary show ng Startalk noong Sabado. May hinahanap kasi ako na tao at katatawag ko sa kanya, napaos ang boses ko.
Puwede rin na nakarma ako dahil sa sumpa ng mga guilty at tinamaan ng sinabi ko sa Startalk na ma-epal ang ibang mga artista na kiyeme-kiyemeng tumutulong sa mga naperwisyo ni Yolanda pero gusto lang ng exposure. Masabi lang ba na tumutulong sila sa kapwa habang nakatutok sa kanila ang mga TV camera.
Marami akong mga artista na kilala na tumulong at patuloy na nagbibigay ng tulong sa typhoon victims pero tahimik lang at kahit anong pilit ay ayaw ipaalam sa bayan ang kabutihan na ginawa nila. Sila ang tunay na kahanga-hanga kaya mataas ang respeto ko sa kanila.
- Latest