^

PSN Showbiz

GMA may sariling telethon ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa naganap na mapaminsalang bagyo na tumama sa parte ng Visayas region, bumuo ang GMA Network ng isang telethon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, Tibay ng Pusong Pilipino na gaganapin ngayon Linggo (Nobyembre 17) simula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.

Magtutulung-tulungan ang mga artista ng GMA at News and Public Affairs personalities sa live fund raising event na ito. At ang lahat ng malilikom na donasyon ay mapupunta sa disaster relief operations ng GMA Kapuso Foundation at ng Yes Pinoy Foundation.

Mapapanood din si Julie Anne San Jose sa kanyang pagkanta ng Pagbangon, isang kantang binuo at nakalaan para magbigay ng pag-asa sa mga tao sa kabila ng pamiminsala ng bagyong Yolanda sa bansa. Maaari ding mai-download sa halagang 25 pesos ang kantang Pagbangon sa OPM2GO https://opm2go.com/albums/julie-anne-san-jose-pagbangon---a-project-for-the-survivors-of-typhoon-yolanda at ang lahat ng benta ay ipamamahagi ng GMA Kapuso Foundation sa mga taong nakaligtas sa bagyo. Mapapanuod ang opisyal na video ng Pagbagon sa Youtube <http://www.youtube.com/watch?v=0Pd6IsH-k1Q> at ang bawat “view” ay may katumbas na halaga na siya ring ido-donate sa mga naapektuhan. Ginawa ni Edward Mitra at nilapatan ng titik ni Joseph Saguid, ang Pagbangon ay maaaari nang i-download sa mga susunod na araw  sa iTunes na puwede ring gawing ringback tone sa mga cell phones.

EDWARD MITRA

JOSEPH SAGUID

JULIE ANNE SAN JOSE

KAPUSO FOUNDATION

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

PAGBANGON

PUSONG PILIPINO

YES PINOY FOUNDATION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with