Anderson nagmukhang bayani ng mga Pinoy
Kung pagbabasehan ang mga reaction at tweet mula sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang panig ng mundo para sa CNN popular anchor na si Anderson Cooper, nagmistula itong bayani lalo na sa mga Pilipino dahil sa kanyang ginawang live coverage sa Tacloban, Leyte na siyang naging sentro ng bagyong Yolanda (Haiyan). Dahil sa pag-uulat ni Anderson at ng kanyang team, napukaw ang kamalayan ng buong mundo na tumulong.
In one of his recent tweets sa kanyang Twitter, narito ang mensahe ni Anderson: “Heading home, but I’ll never forget the strength of the people of Tacloban.â€
Si Bianca Gonzales ay nagpadala ng tweet kay Anderson, “Thank you so much for doing our people a great service. We felt your heart in your stories. You and your whole team.â€
Of course there are a lot more inspiring messages para kay Anderson na tiyak na magpapataba ng kanyang puso kapag ito’y kanyang nabasa.
We have to admit na napadali ang assistance ng international community dahil sa detailed reports ni Anderson sa CNN tungkol sa kalagayan ng Tacloban at ibang karatig-bayan na sinalanta ni Yolanda na may international codename na Haiyan pero kailangan din nating bigyan ng kredito ang mga local news team na isinuong din ang kanilang buhay para lamang makapaghatid ng mga balita tungkol sa tunay na kaganapan sa lugar na sinalanta ng bagyo.
Mayor Alfred at Kring-Kring ibabangon ang Tacloban
Sa kabila ng trahedyang nangyari sa Tacloban City, ang premier capital ng Eastern Visayas, buo pa rin ang paniniwala ng mag-asawang Mayor Alfred at Councilor Kring-Kring Romualdez na muling babangon ang kanilang siyudad kahit magsimula sila from scratch.
Nasubok ang tatag ng mag-asawa sa gitna ng matinding unos sanhi ng bagyong si Yolanda na kahit sila man ay kasama sa mga naging biktima ay kailangan pa rin nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang nasalantang siyudad at dito nila isinusulong ang “Tindog Tacloban!†salitang Waray na ang ibig sabihin ay tayo o ’di kaya bangon Tacloban.
“Tacloban will rise again,†diin ni Mayor Alfred na positibo ang pananaw sa kabila ng matinding pinsala sa kanilang lugar.
Iisa lamang ang mensaheng gustong ipaabot sa ating lahat ng mga sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa: “Walang permanenteng bagay sa mundong ito. Ang lahat ng bagay tulad ng buhay, materÂyal na bagay, kasikatan, rangya, kasakiman, ay puwedeng mawala at magwakas sa isang iglap lamang kapag ito’y ginusto ng Diyos na madalas ay binabalewala natin.
- Latest