Mga artistang pupunta ng Visayas, makakadagdag ng alalahanin sa seguridad
May unsolicited advice ako sa mga artista na nagbabalak na pumunta sa Visayas para mamigay ng relief goods. Kesa magpunta kayo, ipadala n’yo na lang ang inyong mga donasyon para hindi na kayo maging alagain ng mga militar na naroroon.
Kahit paano, security risk ang mga artista, lalo na ’yung mga sikat dahil siÂguradong pagkakaguluhan kayo ng mga biktima ng mga nasalanta ni Typhoon Yolanda. Imbes na sila ang bantayan at protektahan ng mga militar at pulis, dagdag pa kayo sa ise-secure nila.
Kung hindi naman makatiis ang mga artista sa pagpunta ng personal sa devastated areas sa Visayas, huwag nang i-announce ang inyong pagpunta. Sorpresahin n’yo na lang ang ating mga kababayan doon. Mahirap i-announce ang pagdating ng mga sikat na artista dahil siÂguradong marami ang darayo sa mga lugar na pupuntahan nila at pagkakaguluhan ang kanilang presence.
Marjorie miss na miss na ni Claudine
Nagbago ang ihip ng hangin dahil gusto nang makipagkasundo ni Claudine Barretto sa kanyang Ate Marjorie.
Ito yata ang epekto ng pananalanta ni Yolanda sa Visayas dahil na-realize ni Claudine ang kahalagahan ng isang pamilya na buo.
Sa interbyu sa kanya ng Startalk, sinabi ni Claudine na miss na miss na nito si Marjorie at napaiyak siya nang maalaala ang kapatid.
Ipinaaabot ni Claudine kay Marjorie na huwag basta maniwala sa mga paninira dahil hindi ito nanggaling sa kanya, tulad ng paniniwala ng ibang tao.
Malambot ang puso ni Marjorie pero ito lamang ang makapagsasabi kung gusto na rin niya na makipag-reconcile sa bunsong kapatid.
Iba naman ang sentimyento ni Claudine sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Kung handa na siya na makipagkasundo kay Marjorie, hindi pa ready si Claudine na makipagbati kay Raymart.
Masyado raw malalim ang sugat na nilikha ng pagÂhihiwalay nila ni Raymart na umabot pa sa korte dahil sa patung-patong na demanda na isinampa ng aktres.
Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa hindi matapus-tapos na kontrobersiya sa pagitan ng Barretto family.
Tanging si Marjorie ang makasasagot kung handa na ito na makipagkasundo kay Claudine.
Bidding ng Kapuso stars tagumpay!
Successful ang live auction and bidding na nangyari kahapon sa 18th anniversary show ng Startalk.
Marami ang tumawag at nag-inquire tungkol sa personal belongings ng mga artista na ibinenta sa murang halaga. Ibibigay ang proceeds sa mga biktima ng bagyo.
Magaganda at hindi pa nagagamit ang ibang items na ipina-auction ng mga Kapuso star. Binaha ng tawag ang mga telepono sa Startalk studio mula sa televiewers na excited na mabili ang personal things ng mga artista ng Kapuso Network.
Anderson Cooper nasa Manila pa, nagpasalamat sa Tagalog
Correction please, hindi pa umaalis ng Pilipinas si Anderson Cooper ng CNN dahil live from Manila pa rin ang broadcast niya kahapon.
Natuwa ang Pinoy fans ni Papa Anderson dahil naririto pa siya sa bansa. Hindi matapus-tapos ang pasasalamat nila kay Papa Anderson dahil sa malaking tulong na ibinigay nito sa mga biktima ng kalamidad sa Visayas.
Pero iba ang paniniwala ni Papa Anderson. Siya pa ang nagpasalamat sa mga Pinoy na nagpakita ng katatagan, kahit literal na nakasubsob sila sa lupa dahil nawala ang kanilang mga ari-arian at mga mahal sa buhay.
Nakakaiyak ang pagpapasalamat ni Papa Anderson sa wikang Pinoy. Sinabi niya na “Mabuhay! Maraming salamat, maraming salamat. Thank you for showing us all how to live.â€
Lalong nabuhayan ng pag-asa ang Yolanda victims dahil sa encouraging words ni Papa Anderson na sana’y makihalubilo sa halos lahat ng klase ng tao, kahit galing sa mayaman na pamilya at anak siya ng American socialite na si Gloria Vanderbilt.
- Latest