^

PSN Showbiz

Baklang nagmalupit sa mga kapatid nakitang basag ang ulo!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, abangan si Gabby Eigenmann sa isang natatanging pagganap bilang Art Evangelista, isang bakla na umibig—at binasag ang ulo sa sariling bahay.

Isang kilalang hairdresser si Art Evangelista sa lugar nila; at sa kanyang malaking kinikita, nagawa niyang kupkupin ang mga kapatid para sa kanya na lang magtrabaho. Pero hindi naging mabuting boss si Art sa kanila.

Imbes na ibigay ang malasakit sa mga kapatid, kanya itong ibinubuhos sa boyfriend na hindi naman nagustuhan ng kanyang mga kamag-anak. Pera lang ang habol, ayon sa mga kapatid ni Art.

Nang matagpuan si Art na nakahandusay sa sariling bahay isang araw, sino ang pagbibintangan na bumasag sa ulo niya? Ang mga kapatid na pinagmalupitan? O ang dyowang hinihinalang pera lang ang habol sa kanya?

O may iba pa bang tinatago si Art sa kanyang mga “minamahal”?

Itinatampok din sina Glydel Mercado, Kevin Santos, Gerard Pizarras, Geraldine Villamin, Bekimon, at Chrom Cosio.

Mula sa direksiyon ni Andoy Ranay, sa panulat ni Des Garbes-Severino at sa pananaliksik ni Jonathan Cruz, alamin ang kabuuan ng kuwento ni Art nga­yong Sabado ng gabi sa Magpakailanman – Peligro sa Sariling Bahay: The Art Evangelista Story pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

ANDOY RANAY

ART

ART EVANGELISTA

ART EVANGELISTA STORY

CHROM COSIO

DADDY KO

DES GARBES-SEVERINO

GABBY EIGENMANN

GERALDINE VILLAMIN

GERARD PIZARRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with