^

PSN Showbiz

Ibang artista hindi na ipinangangalandakan ang pagtulong, hindi rin nagpapa-auction

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natutuwa ako sa mga artista na kusang-loob na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo pero wish ko lang, huwag maging showbiz ang pagtulong ng iba.

Alam ko kung sino sa mga artista ang sincere na tumutulong at ang mga showbiz personality na pakitang-tao lang ang pagbibigay ng tulong.

Marami sa mga artista ang tahimik na nagbibigay ng tulong at mataas ang paggalang ko sa kanila.

Hindi sila katulad ng mga artista na naka-announce ang pagtulong, ang mga gamit na kanilang ipamimigay at kung anik-anik pa.

‘Yan ang mga dahilan kaya nagtatanong ako, bakit kailangan pa nila na magpa-auction ng mga gamit eh puwede naman silang magbigay ng direktang tulong o financial help?  Wala akong pinatatamaan pero bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.

Anderson babu na sa Tacloban, hulog ng langit ang tingin ng ibang Pinoy

Paalis na yata ng Pilipinas si Anderson Cooper dahil nag-report siya kahapon sa CNN mula sa Maynila, hindi na sa Tacloban City.

Parang type ko na ibili ng  thank you mass card si Papa Anderson bilang pasasalamat sa tulong niya sa mga kababayan natin sa Tacloban City.

Isipin n’yo na lang kung wala si Papa Anderson at ang foreign media? Hindi na malalaman ng buong mundo ang mga totoong nangyayari sa Leyte at sa kalagayan ng ating mga kawaawang kababayan.

I’m sure, nababasa ni Papa Anderson ang lahat ng mga message, ang mga taos-puso na pasasalamat mula sa mga Pilipino na hulog ng langit ang tingin sa kanya.

Interview nila Kring-Kring hindi iniere ng ibang channel

Sunod-sunod ang pakita ng CNN sa interview nila kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Harrassed na harrassed na ang itsura ng asawa ni Cristina Gonzales dahil sa maghapon at magdamag na pag-iikot niya sa Tacloban City para matulungan ang kanyang mga kababayan. Nawala na ang kanyang pagiging mestizo dahil umitim na siya sa init ng araw.

Eh noong makausap namin si  Kring-Kring, nagpapasalamat ito dahil lumalabas sila sa CNN. Hindi raw kasi sila napapanood sa ibang local TV network at hindi niya alam kung bakit.

Wala sa boses ni Kring-Kring ang panunumbat. Nagpahayag lang siya ng pagtataka pero nang lumabas sa CNN ang mga report tungkol sa kanila, nagkasunod-sunod na rin ang mga interview sa kanila ng local TV networks.

Cong. Lito at Kim nagpaliwanag

Touched na touched ako kay Congressman Lito Atienza at sa kanyang anak na si Kim. Personal na nakipagkita sa akin ang mag-ama noong Huwebes para mag-apologize dahil dalawang beses nang na-postpone ang presscon para sa Atienza Naturale, ang malunggay tablet na mabisa sa ating kalusugan.

Binigyan ko ng assurance sina Papa Lito at Kim na wala silang dapat ipag-sorry dahil naintindihan naman ng press ang sitwasyon. Nakansela ang first presscon dahil nagkaroon si Kim ng sakit. Hindi natuloy ang second presscon dahil sa kalamidad na naranasan ng ating bansa, ang Super Typhoon Yolanda.

Nag-promise ang mag-ama na itutuloy ang press launch ng Atienza Naturale pero uulitin ko, walang problema kahit hindi muna ‘yon matuloy dahil mas mahalaga na asikasuhin muna at bigyan ng atensyon ang mga kababayan natin na  nagdurusa dahil kay Yolanda at sa mabagal na pagdating ng tulong sa kanila.

Startalk kakaiba

Reminder, huwag ninyong kalimutan na panoorin ngayong hapon ang 18th anniversary show ng Startalk. Kakaiba ang aming anniversary celebration dahil iuukol namin ito sa mga kababayan natin na biktima ni Typhoon Yolanda.

                                                     

ATIENZA NATURALE

DAHIL

KRING-KRING

PAPA ANDERSON

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with