Mikael pumiyok, masaya sa pagkikita nila ni Megan sa London!
PIK: Pagkatapos ng One Day Isang Araw, gusto ni Jillian Ward na mag-focus sa kanyang singing career. Puspusan ang singing lessons niya dahil may talent naman talaga siya sa pagkanta.
Pero prioritized pa rin daw ang pag-aaral at pagÂdating sa showbiz career ay gusto rin niyang makilala bilang isang magaling na singer.
PAK: Karamihan ngayon sa showbiz ay balak nang i-cancel ang Christmas party.
Sa halip na gagastusin para sa party, ibibigay na lang nila sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda lalo na sa mga taga-Tacloban.
Si Kylie Padilla nga ay ang dami na niyang gamit na pinamigay pero feeling daw niya ay kulang pa nang napanood niya ang paghihirap ng mga nasalanta ng bagyo.
Gusto nga raw niyang pumunta ng Tacloban para makatulong pero piÂniÂgilan lang ang young actress dahil magulo na roon.
Ayaw rin daw siyang payagang umalis dahil halos araw-araw siyang nagte-taping para sa Adarna na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Lunes.
BOOM: Sa presscon din ng Adarna, hindi naiwasan ni Mikael Daez ang isyu nila ni Megan Young.
Inamin niyang nagkita sila ng Miss World 2013 nang pumunta siya ng London, England para kumuha roon ng pang-Midnight Snack niya para sa Saksi.
Nagkita raw sila pagkatapos ng insidenteng nangyari sa Haiti nang dumalaw doon si Megan. Kaya kinumusta raw niya ito kung okay na siya.
“She’s okay naman. I don’t think it was as bad as nasabi. May na-injure lang talaga na medyo malala. Pero, otherwise, everyone was very safe,†sagot ng Kapuso actor.
“I was happy siyempre,†ang kanyang sagot nang tinanong kung ano ang feeling nang magkita sila ni Megan.
Nilinaw na rin ni Mikael na magkaibigan lang daw talaga sila at single raw siya ngayon. Ganun din daw ang reigning Miss World 2013.
- Latest