MTV Europe Music Awards ipinagdasal ang mga binirada ni Yolanda
SEEN: Kumbinsido si Cristina Gonzales na tsunami at hindi storm surge ang tumaklob sa Tacloban City na naging sanhi ng pagkamatay ng libu-libong tao sa kanilang lugar.
Konsehal si Cristina ng Tacloban City.
SCENE: Hindi gagamitin ni Sen. JV Ejercito ang kanyang PDAF (Priority Development Assistance Fund) budget para sa 2014 dahil nagdesisyon siya na ibigay ‘yon sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas.
SEEN: Lumipad si AiAi Delas Alas sa California, USA noong Linggo para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng mga anak na sina Nicolo at Sophia. Kahapon ang 49th birthday ni AiAi.
SCENE: Nagpapasalamat si Sharmaine Arnaiz sa Diyos dahil nakaligtas sa malakas na bagyo sa Tacloban City ang kanyang mga pinsan.
SEEN: Isang minuto ng katahimikan ang inialay sa mga biktima ni Typhoon Yolanda sa 2013 MTV Europe Music Awards na ginanap noong Linggo ng gabi sa Ziggo Dome, Amsterdam.
SCENE: Ang mga nanalo sa 2013 MTV Europe Music Awards:
Best Song - Bruno Mars, Locked Out of Heaven
Best Video - Miley Cyrus, Wrecking Ball
Best New - Macklemore & Ryan Lewis
Best Female- Katy Perry
Best Male - Justin Bieber
Best Pop - One Direction
Best Live - Beyoncé
Best Hip Hop - Eminem
Best Rock - Green Day
Best Electronic - Avicii
Best Alternative - Thirty Seconds to Mars
Best Look - Harry Styles
Biggest Fans - Tokio Hotel
Best World Stage - Linkin Park
Best Push - Austin Mahone
Worldwide Act - Chris Lee (Mainland China/Hong Kong/Southeast Asia/Taiwan)
Global Icon - Eminem
- Latest