^

PSN Showbiz

Richard seryosong ayusin ang mga kaaway ni Sarah

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wish ni Richard Gutierrez na magkaayos ang nagkasira at nagka-demandahang sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at GF ng actor na si Sarah Labahti para makapag-move on na ang magkabilang-partido. 

Kung tutuusin, posible ang muling pagkakabati at pagkakapatawaran nina Annette at Sarah kung si Richard na mismo ang magmi-mediate sa dalawang kampo.

Speaking of Richard, excited ito sa kanyang bagong movie na gagawin sa bakuran ng GMA Films with a new leading-lady and new director.  Excited din siya sa kanilang kauna-unahang family reality show, ang  It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil bukod sa first time nila itong gagawin, first time din itong mangyayari on Philippine television.

Walang pang channel na binabanggit ang Gutierrez family at maging ang kanilang director na si Michael Carandang pero naririnig namin na ito’y ipapalabas sa cable TV na E! Asia at isang major TV network umano ang interesado rin sa programa kung saan isa si Raymond Gutierrez sa nag-conceptualize.

Young actor na hindi na nakabitiw sa droga, kuntento na sa pagiging call boy

Hinayang na hinayang  kami sa isang magaling na young actor na isa na umanong CB (as in call boy)  ngayon at karamihan sa kanyang mga paryokyano ay nasa showbiz din.  Ang presyo ng young actor ay naka-depende kung sino ang kanyang `customer’.  Nakukuha umano ng mura kung kakilala at kaibigan ang customer. Napariwara ang buhay ng young actor na ito nang ito’y makatikim ng ipi­nag­­babawal na gamot hanggang sa ma-hook siya rito.  Isang customer na gay actor na nagmula sa isang prominenteng pamilya ang nag-introduce sa kanya sa drugs at magmula noon ay hindi na siya bumitaw.

Na­kakapang­hina­yang ang magandang fu­ture sana ng actor na ito bilang isang mahusay na actor.  Sinubukan nitong makabalik ng showbiz pero agad din siyang nawala.

vuukle comment

ACTOR

ANNETTE GOZON-ABROGAR

IT TAKES GUTZ

MICHAEL CARANDANG

RAYMOND GUTIERREZ

SARAH LABAHTI

SHY

SPEAKING OF RICHARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with