^

PSN Showbiz

Di man lang inimbestiga bago ipinasa: Mga artista napeke sa ‘CNN statement’; Coverage ni Janine Tugonon sa Miss U ‘di maintindihan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Mali ang claim na “CNN statement” ang ipinasa ng mga artista tungkol sa ka­gandahan ng ugali ng mga Pilipino sa gitna ng pa­nanalanta ni Typhoon Yolanda.

Comment ito sa story ng CNN, hindi statement mula sa CNN.

SCENE: Hindi maintindihan ang mga sinasabi ni Janine Tugonon sa segment niya sa Miss Universe dahil sa kanyang mabilis na pagsasalita.

Dapat maging natural at confident si Janine, huwag maging pa-impress upang maintindihan siya ng viewers.

SEEN: Napanood kaninang madaling-araw, 2:00 a.m., sa Star World at Velvet Channel ang live telecast ng Miss Universe mula sa Crocus City Hall, Moscow, Russia.

SCENE: Mistulang backdrop ng isang theme park ang stage ng Miss Universe 2013.

SEEN: Kailangan ni Andi Eigenmann ng mahusay na stylist upang hindi na laitin ang mga damit na isinusuot niya. Fashion victim si Andi.

SCENE: Lumalabas na si Venus Raj sa ibang TV networks dahil hindi pa siya nabibigyan ng regular show sa ABS-CBN.

Nawalan ng TV career si Venus nang mag-reformat noon ang Umagang Kay Ganda.

ANDI EIGENMANN

CROCUS CITY HALL

JANINE TUGONON

MISS UNIVERSE

STAR WORLD

TYPHOON YOLANDA

UMAGANG KAY GANDA

VELVET CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with