Paulo confident na pabor si Sharon sa kaligayahan nila ni KC
Noong isang linggo ay buong tapang na inamin ni PauÂlo Avelino na lumalabas o nagde-date na sila ni KC Concepcion. Agad din naman itong kinumpira ni KC pero iginiit ng aktres na hindi naman ito exclusive dating. MuÂling nagbigay ng pahaÂyag si Paulo tungkol sa naging reÂaksiyon ni KC sa kanyang ginawang pag-amin.
“Like what I’ve said in the interview, we’re dating. DaÂting with me is having dinner, talking. Nothing more than that,†nakangiting pahayag ni Paulo.
Kilala ang aktor sa pagiging maÂlihim sa kanyang buhay pag-ibig kaya nangako rin itong hindi na siya magsasalita ulit tungkol sa kanyang personal na buhay.
“Well, sana last na ’yon (Buzz ng BaÂyan interview). Siguro ’yung mga sinabi ko lately contradicts what I’ve been saÂying. I really would want to keep a private life, a very quiet and peaceful life,†giit ng aktor.
Alam daw ni Paulo na masaya si KC kung anuman ang namamagitan sa kaÂnilang dalawa pero, ayon sa aktor, ay marami pang ibang bagay na nagpapasaya sa actress-singer-TV host.
Naiisip na kaya ng aktor kung aprubado ni Sharon Cuneta ang tungkol sa kanila ng panganay niya?
“Of course, kung happy naman si KC kahit naman siguro sinong nanay, kung nakikita sigurong masaya ’yung anak niya, siyempre magiging happy siya,†pagtatapos ni Paulo.
Mag-inang Daniel at Karla nanawagan ng donasyon para sa Tacloban, pero ayaw tumanggap ng pera
Marami talagang nasalanta at naÂging pinsala sa Tacloban ang bagyong Yolanda. Kaya naman naÂnawagan ang ina ni Daniel PaÂdilla na si Karla Estrada sa mga tagahanga ng aktor na tumulong para sa mga naging biktima ng bagyo sa nasabing lugar. Tubong Tacloban si Karla at marami sa kanilang kamag-anak ang naroroon. Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay humingi ng tulong ang aktres.
“Mga anak kailangan ko ang tulong n’yo. Anumang kaya n’yo maitulong... mga damit ha? At dadalhin ko sa Tacloban na sinasalanta ng bagyo. Puwede n’yo madala dito sa bahay lahat ng tulong… Ako na mag-uuwi sa Tacloban ‘pag may flight na puwede lumipad. Hay… pakidala na lang po ng relief goods n’yo dito sa Tiera Pura club house, Kalaw Ave., Tiera Pura, QC. Salamat. Galing ito sa aming mag-ina. Salamat.
“Mga anak, walang magdadala ng pera ha… kung maaari mga damit sana… Salamat, †post ni Karla.
Nag-tweet din si Daniel para sa lahat ng mga apektado ng bagyo. “Mag-ingat kayong lahat,†post ng aktor.
Ngayon ay abala si Daniel sa taping ng teleÂseryeng Got to Believe at sa shooting ng pelikulang Pagpag na kalahok sa Metro Manila Film Festival. Reports from JAMES CANTOS
- Latest