Sarah part na ng pamilya Gutierrez!
Hindi kinontra ng press ang sinabi ni Annabelle Rama na siya ang magiging star ng reality show ng pamilya nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil totoo naman. Sa presscon pa nga lang, si Annabelle na ang bida at tila mas interesado ang press sa kanyang mga sasabihin at sasabihin pa habang tumatakbo ang show.
Pero may pahayag si Eddie Gutierrez na ikinatahimik ng maingay na press. Sabi nito: “I’m very proud of my family dahil lahat sila hardworking, ‘di kami nagnanakaw, kaya naming makipag-usap sa tao straight to the eye, may eye contact. Prangka kaming lahat makipag-usap, wala kaming itinatago at kung ano ang kinikita namin, ‘yun ang ginagastos namin.â€
Next year pa ang airing ng reality show na hula ng press sa E! Asia ipalalabas, pero nabanggit ni Richard Gutierrez na they’re talking with a major network para doon mapanood ang first of its kind show. Ang Royale Era ng mga Gutierrez, Inside Showbiz at One Mega Group’s 100 TV ang nasa likod ng show.
Tatakbo ng one season ang reality show at kahapon, sinimulan ni Mike Carandang, director ng show, ang taping sa birthday party ni Annabelle. Magku-cruise ang buong pamilya sa Singapore, Bangkok at Malaysia for one week.
Kasama rin sa show sina Elvis, Rocky at Ritchie Paul at ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at VeÂnice. Involved sa conceptualization ng show si Raymond Gutierrez na sinabing siya ang nakipag-usap kay director Mike.
Samantala, inamin ni Richard na sceptical siya noong unang kausapin about the project dahil very private person siya, pero pumayag din dahil chance nang makita ng viewers kung anong klaseng pamilya sila. Malilinawan ang mga misconception sa kanila, kaya excited na siyang simulan ang taping.
Sa mga nagtanong kung may revelation na mangÂyayari sa show, kung malalaman na ang tunay na status nila ni Sarah Lahbati, “tingnan natin†ang sagot ni Richard. Dahil part na ng buhay niya si Sarah, lalabas din ito sa show at pati raw suitors ni Ruffa.
Kinumusta kay Richard ang gagawing pelikula sa GMA Films at ang desÂcription sa wala pang title na movie ay “something new, something different at puno ng adrenalin rush†ang sagot. Hindi nito sinabi kung sino ang director ng movie at ang leading lady, sa storycon next week na raw malalaman.
May nakausap kami na tsinikang si Wincy Ong ang director ng movie ni Richard. Nag-google kami at nalamang siya ang director ng indie film na San Lazaro at ang pagpapakilala sa kanya ay “writer/musician/filmmaker/actor/comic book illustrator.†Based in Canada si director Wincy.
May napili na ring leading lady para kay Richard, pero kukumpirmahin pa namin at kung totoong ang binanggit sa amin na nga ang makakapareha ni Richard, congratulations sa kanya!
Gaydar itinangging kopya lang
Nilinaw ni director Alvin Yapan na hindi niya sinulat ang script ng Gaydar dahil sa popularity ng My Husband’s Lover. Matagal na raw niyang script ito, ngayon lang naisa-pelikula sa tulong ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.
In fact, ang original title nito ay Bato Balani, na kanyang binago at ginawang Gaydar para mas “in†at mas madaling maintindihan. Kundi kami nagkakamali, sina Lovi Poe at Solenn Heussaff ang unang na-consider sa role ni Tina na napunta kay Pauleen Luna na bumagay sa karakter na madalas ma-in love sa beki.
Showing sa November 13 ang pelikulang bida rin sina Rafael Rosell at Tom Rodriguez na mag-aagawan kay Pauleen.
Mall tour sa Cebu ng Prinsesa... naudlot
Dahil sa bagyong Yolanda, hindi natuloy ang mall show sa Cebu ng cast ng Prinsesa ng Buhay Ko kahapon. Mabuti na rin dahil napuyat at napagod tiyak si Aljur Abrenica sa Come and Get Me concert niya sa Music Museum last Thursday.
Nanood si Kylie Padilla, binati siya ni Aljur at dahil nasa harap ang upuan nito, kitang-kita si Kris Bernal na isa sa guest ng BF. Nakita kaya siya ni Kris? Para kasing hindi ito tumingin sa puwesto ni Kylie.
Kita ang closeness ng cast ng Prinsesa ng Buhay Ko dahil nanood ng concert sina Ping Medina, Marco Alcaraz at present din si direk Dondon Santos. Matagal pa ang kanilang pagsasamahan dahil hanggang January next year pa ang airing ng show.
- Latest