^

PSN Showbiz

Gretchen sinupalpal ng ina sa ‘ninakaw’ na alahas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naku bomba pala ang episode ng What’s Up Doods ni Edu Manzano ngayong gabi, 10:30 p.m. sa TV5. Ratrat daw kasi ang naging pasabog sa interview ng nanay nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

At sa rami nga raw ng mga sinabi ni Mrs. Inday Barretto, malamang daw na pang-dalawang episode ito.

Sa umpisa raw ng interview ay hindi nito mabanggit ang pangalan ni Gretchen pero sa kalaunan daw ay na-mention din nito ang pangalan nang itinakwil na anak.

Sinagot din daw nito ang mga sinabi ni Gretchen na kahit mamatay siya (Inday) ay hindi siya dadalawin nito.

At ang sinasabi raw ni Gretchen na alahas na umano’y dinampot niya sa isang jewelry store ay sarili naman daw niyang alahas at nakuha rin naman. Pinagawa niya raw ang nasabing alahas sa jewelry store at naisauli sa kanya so paano raw mangyayari na ninakaw niya ‘yun.

At walong taon lang pala si Gretchen nang mangyari ang nasabing insidente.

Oh oh. Basta ang bottomline daw ng interview, imbento ang mga sinasabi ni Gretchen.

Naku I’m sure tututukan ito ni Gretchen kahit nasa London pa siya at saka siya sasagot.

At bukod kay Inday, pasabog din daw ang interview ni Doods kay Tingting Cojuangco  dahil ibinunyag niya ang umano’y anomalya. Saan at kailan?

Complicated… naka-P5M sa first day

Kuntentong-kuntento pala ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa tagumpay sa takilya ng latest offering ng Regal na Status: It’s Complicated. Humamig raw kasi ito ng P5M sa first day at magaganda pa ang reviews na natanggap ng movie.

Siyempre, malaking tulong din ang presence ng Star Magic artists sa movie gaya nina Maja Salvador, Jake Cuenca at Paulo Avelino. Gayundin ang pagpapakuwela ni Eugene Domingo at ang pagpapaseksi ni Solenn Heussaff.

Pauleen laging natatanso

Babaeng laging natatanso ng bading ang role ni Pauleen Luna sa bago niyang movie na Gaydar. Kaya naman kakaibang experience ang naranasan ng Eat Bulaga host sa bago niyang project matapos lumabas sa mga drama gaya ng Blue Moon at sa horror film na Hiwaga Sa Balete Drive at iba pa.

Pero nagamit ni Pauleen ang kakikayan niya sa Eat Bulaga sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ng director ng Gaydar na si Alvin Yapan.

Sa movie, na-in love si Tina (Pauleen) sa isang regular FX driver na naghahatid sa kanya sa trabaho. Nahulog ang loob niya sa driver pero sa isang date nila, sa halip na mangyari ang inaasahan na pagpu-propose, nalaman niya ang pagiging bading nito nang ipakilala sa kanya ang boyfriend nito!

Sumumpa sa sarili si Tina na hindi na mai-inlove sa lalaki dahil sa palpak niyang pagkilatis sa tunay na pagkatao ng isang lalaki. Feeling nga niya ay isinumpa siya dahil pawang bading ang nagugustuhan niya!

Sa kanyang paghahanap ng bagong FX driver, nagpatulong siya sa kaibigang si Nick (Rafael Rosell). Pero bago pa man nakahanap ang kaibigan, nakilala ni Tina si Chard (Tom Rodriguez) na isa ring FX driver.

Pero dahil may hinala rin si Tina na bading si Chard, nagpatulong siya sa kaibigan upang alamin kung tunay na lalaki o bading si Chard. Kung ano ang nadiskubre ni Nick kay Chard ang siyang magpapagulantang kay Tina, huh!

Sumikat si Tom sa My Husband’s Lover. Epektibo kasi ang pagganap niya bilang bading na si Vincent. Sinundan ito ng movie na Bekikang pero pantasya naman ng isang bading ang role niya. Tiyak na dito sa Gaydar, may pasabog na naman si Tom.

Si Rafael naman, naging instant hit muli nang lumipat sa Kapuso Network at ginawa ang The Temptation of Wife at  Maghihintay Pa Rin.

Mula sa imahinasyon ni Alvin Yapan na director din ng Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa at Debosyon, mapapanood ang movie sa mga sinehan simula Nobyembre 13, 2013!

Maiuwi na kaya ni Ariella ang korona?

Si Ariella Arida na nga kaya ang ikatlong Pilipinang magsusuot ng korona bilang Miss Universe?

Malalaman na ang kasagutan ngayong Linggo (Nov 10) sa inaabangang Miss Universe 2013  na mapapanood live sa Velvet (SkyCable Channel 53) sa ganap na 2:00 AM at may special telecast sa ABS-CBN ng 9:00 AM.

In fairness, nakaabang na ang samba­yanan sa kapalaran ng 24 anyos na dalagang tubong Laguna sa kumpetisyon lalo pa’t muntikan nang masungkit ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon ang korona noong nakaraang taon.

Crowd favorite na maituturing si Ariella dahil madalas itong napapabilang sa top ten ng iba’t ibang sikat na pageant sites online. Ang kanyang Truth or Dare video interview sa YouTube rin ang nakakuha ng pinakamataas na hits.

Huling nakuha ng Pilipinas ang korona noon pang 1973 nang magwagi si Margarita “Margie” Moran 40 taon na ang nakakalipas. At simula noon ay first runner up na ang pinakamalapit na narating ng kandidata ng Pilipinas— si Miriam Quiambao noong 1991 at si Janine noong 2012.

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtanggap ng marami sa pambato ng Pilipinas, nakasalalay pa rin ang lahat sa kamay ng mga hurado na kinabibilangan ng lead vocalist ng Aerosmith na si Steven Tyler, kilalang chef na si Chef Nobu, gold medal figure skater na si Tara Lipinski, modelo at aktres na si Carol Alt, supermodel na si Anne V, founder ng Farouk Systems na si Farouk Shami, pioneering designer ng U-BOAT watches na si Italo Fontana, at Russian popstar na si Philip Kirkorov.

Gaganapin ang Miss Universe 2013 coronation night sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia, sa pangunguna nina Thomas Roberts ng MSNBC Live  at Mel B ng  America’s Got Talent bilang hosts.

 

 

 

 

 

 

ALVIN YAPAN

EAT BULAGA

GAYDAR

GRETCHEN

MISS UNIVERSE

NIYA

PAULEEN

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with