Andres ‘di nahirapang ligawan si Oriang
MANILA, Philippines - Ang pag-ibig at pakikidigma ay wala raw ipinagkaiba. Pareho raw itong nangangailangan ng pagpaplano at istratehiya, ayon sa isang sikat na manunulat sa Espanya noong ika-14 na siglo.
Sa episode na ito ng Katipunan, ipakikita ni Andres Bonifacio kung paanong ang sumulat ng librong Don Quixote ay wasto sa kanyang pananaw.
Sa kanyang panliligaw kay Gregoria de Jesus (Oriang), gagamitin ni Andres ang mga taktikang kakaiba para mapa-ibig ang batang-batang napupusuan. Bukod kasi sa 12 taong agwat nila sa edad, mas mayaman ang ibang nanliligaw kay Oriang. Mayaman din ang pangarap ng kanyang mga magulang na mapangasawa niya.
Pero dahil sa maliming pagpaplano, mapapaibig ni Andres si Oriang sa kabila ng pagtutol ng mga magulang nito.
At sa ngalan ng pag-ibig, ipakikita ni Oriang ang kanyang tatag ng loob at husay mag-isip. Makagagawa siya ng paraang legal upang mapilitan ang kanyang mga magulang na bigyang-basbas ang kanilang pag-iibigan ni Andres. Sa paraang kanyang maiisip, makikita ang kanyang talino at husay sa taktika. Iyan ang mapanonood ngayong Sabado sa Katipunan, 10:15 ng gabi sa GMA 7.
- Latest