Mga artistang nagbi-birthday kasama ang may mga sakit na bata, hindi pinaniniwalaan
Seen : Nire-request ng televiews na magkaroon ng extension ang teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni GeÂrald ÂAnderson.
Scene : Ang clamor na mag-apologize si Arnold Clavio dahil sa magaspang na interview niya kay Atty. Alfredo Villamor sa Unang Hirit noong Martes.
Si Villamor ang abogado ni Janet Lim-Napoles na pangunahing suspek sa Pork Barrel scam.
Seen : Hindi dapat ikinukumpara sa Tulfo brothers ang rudeness na ipinakita ni Arnold Clavio sa national television.
Nagagalit at matapang ang Tulfo brothers sa mga taong nang-aagrabyado ng kapwa.
Scene : Hindi tama na idamay ang GMA 7 sa unbecoming behavior nina Arnold Clavio at LJ Reyes. Under fire si LJ dahil sa pagdadabog niya sa mga miÂyembro ng media na nakapanayam siya sa GMA Network studio noong Linggo.
Hindi kontrolado ng mga TV network ang ugali ng kanilang mga talent.
Seen : Hindi na kinakagat ng publiko ang mga drama ng artista na nagdiriwang ng kaaÂrawan sa piling ng mga bata na may karamdaman at pagbisita sa charitable institutions na may mga TV camera na nakatutok.
Hindi dapat ginagamit ng mga artista ang mga ulila at may-sakit para sa kanilang publicity dahil puwede silang tumulong ng walang media coverage.
Scene : Mala-teleserye na inaabangan ng sambayanang Pilipino ang pagharap ngayon ni Janet Lim Napoles sa mga senador para sa kanyang testimony tungkol sa pork barrel scam.
Seen : Ang nanghihingi ng ‘best actor award acting’ ni Kristoffer Martin sa dramatic scenes niya sa Kahit Nasaan Ka Man.
Scene : Ang pahayag ng British boxer na si Ricky Hatton na malapit nang matapos ang makulay na boxing career ni Congressman Manny Pacquiao. Pinatulog ni Pacquiao si Hatton sa second round ng kanilang boxing match sa Las Vegas noong May 2009.
- Latest