^

PSN Showbiz

Jake bawal lumapit kay Lovi

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila naman ng hindi magandang wakas ng kanilang relasyon ni Jake Cuenca, iniwasan ni Lovi Poe na makatrabaho ito. Sa pelikula nito na kung saan ay nag-cameo role ay hin­di siya nagkaroon ng koneksiyon sa actor. Kay Paulo Avelino nakonek ang karakter na kanyang ginagampanan.

Si Jake lang ang umamin sa naging relasyon nila at sapat na ‘yun para ma­ging valid ang matagal nang pinag-uusapan na relasyon nila noon.

Jake panay pa rin ang selos kay Bea

Pinagseselosan pala ni Jake Vargas ang closeness ng kanyang ex girlfriend na si Bea Binene kay Ken Chan, isa pa ring youngstar na naka-duet nito sa kanyang ikalawang album. Sinabi ito ni Bea sa launching ng nasabing album.

“Pero, wala pa naman kaming ibang relasyon other than friendship. Kabi-break ko pa lang kay Jake, ayaw ko namang madaliin ang pagkakaroon ng kapalit niya,” paliwanag niya.

When asked kung may posibilidad na balikan sa kanila ni Jake since ang pagseselos nito kay Ken ay isang malinaw na pala­tandaan na may damdamin pa rin ito sa kanya, sinabi ni Bea na “Ayaw kong mag­salita ng patapos. Pero si Jake ang naunang nag­sabi na wala na kaming balikan, kaya ‘yun na lang ang pinanghahawakan ko.  Masaya na ako na ka­hit nagkahiwalay kami ay friends pa rin  kami,” sabi niya.

Jake for his part ay nababalitang idini-date ang Kapamilya young star na si Ella Cruz.

Direk Paul nakakuha ng back-up sa Hollywood

Mukhang umaayon ang suwerte kay Direk Paul Soriano. Hindi lamang napili ang indie film niyang Transit para pagpilian sa Oscars para sa Foreign Language category, nakilala pa rin niya ang sikat na actor na si Dean Devlin na isa rin palang half Filipino, half-Jew at nakilala sa mga pelikulang Independence Day, Godzilla, at marami pang iba.

Ang pagkikilala nila ay humantong sa pagpapanood niya sa actor ng pelikula niyang Transit na ngayon ay tinutulungan nitong ma-promote sa Hollywood. Balak din nilang gumawa ng co-production venture.

Ang Transit ay tungkol sa mga OFW natin sa Israel na may mga anak na hindi alam kung Pinoy sila o Israeli. Kahit ‘di mga criminal, may posibilidad na ma-deport ang mga bata sa mga bansa ng kanilang mga magulang sa kawalan ng sapat na dokumento na magpapatunay sa kung ano talaga ang nationality nila. Hindi man manalo sa Oscars, at least naging daan naman ito para makita ang isang kakaibang obra.

Daniel hindi nag-E-expect na mananalo sa World Music

Kung kay Sarah Geronimo ay big deal na ang mapasama sa mga nominado ng World Music Award, eh ‘di lalo na kay Daniel Padilla na kaliga na ang mga malalaking singer ng bansa at maging ng mga maraming international singers. Nominado si Daniel sa nasabing international music awards sa kategoryang Best Male Performer at World’s Best Live Act along with Justin Bieber, Elton John habang si Sarah naman at Regine Velasquez ay nominado rin sa Best Female Performer at Best Live Act, kalaban sina Adelle, Beyonce, at iba pa.

Malaking feat ito para sa napaka-popular na young actor/singer na talaga namang sinorpresa ang lahat dahil sa pagkakaro’n ng isang sell out concert sa Smart Araneta. 

Pero hindi naman daw nag-e-expect si Daniel na mananalo siya sa World Music Award. Tama na raw ‘yung na-nominate siya.

vuukle comment

ANG TRANSIT

BEA

BEA BINENE

BEST LIVE ACT

JAKE

KAY

PERO

WORLD MUSIC AWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with