Annabelle wala nang urungan, papasok uli sa pulitika
Aba, talagang palaban pala itong si Mama Annabelle Rama. After her loss sa Cebu politics, nagbabalak na naman itong kumandidato sa susunod na halalan.
I-stay nga raw ito ng Cebu para mas makilala pa siya ng mga tagaroon. Pero habang naririto pa siya ay iaayos niya ang karera ng mga anak at mga inaÂalagaan niyang artista.
Ganyan nga, Mama Annabelle, work ka muna sa showbiz. Nami-miss na ng marami ang “ingay†mo.
Commercial nina Ryzza itinaon sa kanilang pelikula
Aba, magandang promosyon ng isang brand ng doughnut ‘yung pagiging endorser din ni Bimby, anak ng cager na si James Yap at ng presidential sister na si Kris Aquino.
Very timely ‘yun sa pagpapareha ng dalawang bagets sa isang Metro Manila Film Festival o MMFF movie, ang My Little Bossings na target hindi lamang ang masa kundi maging ang mga sosi.
Anumang pagtutol ang marinig sa mga detrators ni Kris na siyempre ay hindi panonoorin ang movie ng anak nito, wala silang choice dahil, for sure, gusto nilang makita kung makakaarte ang bata at very promising ang tandem nila ng child wonder na si Ryzza Mae Dizon.
Derek at Cristalle inaabangan kung magkakatuluyan
Guwapo kasi si Derek Ramsay kaya ang daling makahanap ng bagong love life. Kabi-break lamang nila ni Cristine Reyes, pero nababalita na nililigawan niya ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Henares. Maganda ang dalaga at maganda ang PR kaya hindi kataka-taka kung mahulog ang loob sa kanya ng actor.
Pero sinabi ni Cristalle na wala raw ligawang nangyayari sa pagitan nila.
Oh sige hintayin natin na medyo magtagal-tagal pa dahil baka may ibang mangyari pa.
Kuya Kim balik-trabaho na
Mukha namang hindi nagkasakit si Kim Atienza. Sa mga larawan niya kasama ang pamilya niya na nagbabakasyon sa Palawan ay masigla naman siya at looking very healthy.
Matutuwang sigurado ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime dahil nakabalik na siya.
- Latest