^

PSN Showbiz

Mag-asawang kumikita ng P110 milyon ngayon, sa kanilang kusina lang nag-umpisa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinanganak lamang sa kusina ng mag-asawang retiradong public school teachers na sina Felix at Meding Garcia ang Mekeni Food Corporation. Ibaba­hagi ni Karen Davila ang kuwento kung paano nila napalago ang ka­nilang negosyo sa My Puhunan ngayong Miyerkules (Nov. 6).

Animnapung taong gulang na sina Felix at Meding noong simulan nila ang Mekeni. Gamit ang kanilang retirement pay, namuhunan sila upang ma­kapagtinda ng sarili nilang ng tocino sa harapan ng kanilang tahanan. Wala silang naging katulong ngunit napalaki nila ito kasabay ng kanilang mga anak.

Matapos ang mahigit dalawang dekada, naging isang malaking korporasyon na ang Mekeni na kumikita ng mahigit P110 milyon kada buwan.

Sa My Puhunan, itatampok din ni Karen ang negosyong kainan at sports bar ng PBA superstar na si Atoy Co. Mismong si Atoy pa ang nag-eentertain sa kanyang mga customer dito. Bukod dito, ituturo rin ni Atoy sa mga manonood ng My Puhunan kung paano ihanda ang kanyang specialty na sizzling sisig.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan  ngayong Miyerkules, 4:15 p.m., sa ABS-CBN.

ATOY

ATOY CO

KAREN DAVILA

MEDING GARCIA

MEKENI

MEKENI FOOD CORPORATION

MIYERKULES

MY PUHUNAN

SA MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with