Eugene muntik masilip ang puwet
Isa sa kuwelang eksena sa Stautus: It’s Complicated ang beach scene kung saan, nag-one-piece swimsuit si Eugene Domingo. May eksena ring nasilip ang butt nito, ito ‘yung eksenang nakapatong siya kay Jake Cuenca. Mabuti na lang at may stocking itong suot, kaya hindi masyadong nakita ang kanyang behind.
Sa tanong kung ano ang reaction ni Ms. Rita Gomez kung buhay ito at napanood ang performance niya sa movie, sagot ni Eugene hindi niya alam ang sasabihin ng veteran actress, pero mag-a-agree sila pareho na mahirap ang dialogue na siyang strength ng movie.
Bukas, November 6, ang showing ng Regal Entertainment movie na si Direk Chris Martinez mismo ang nagsabing ito ang pelikulang ratratan ng dialogue. Ang mahahaba ring dialogue ang isa sa asset ng Status: It’s Complicated.
Ibinalita ni Eugene sa isa sa project na gagawin niya next year ay ang gagawing stage at musical version ng pelikulang I Do Bidoo Bidoo. Ang target nila ay sa second quarter ng 2014 at naghahanap na ng right venue.
“Hopefully, same cast pa rin sa movie, pero maiintindihan namin kung hindi pumuwede sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano. Masaya ‘di ba?†sabi nito sa press people.
Carla at Geoff parang walang problema
Parang hindi naman nagkakalabuan ang relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann at hindi sila apektado sa pagkaka-link ng aktres kay Tom Rodriguez, kung kailan tapos na ang My Husband’s Lover.
Sa bonding ng younger Eigenmann (minus Michaelle Mesa, Mark, and Cherie Gil) sa pangunguna nina Gabby Eigenmann, Geoff, at Andi, kasama nila si Carla. Based sa pictures na pinost ni Andi sa Instagram, sa isang location lang sila (sa hotel siguro o vacation house).
Also, Carla congratulated her boyfriend nang makumpirmang kasama ito sa cast ng Adarna. Kinunan ng picture at pinost ni Carla sa IG ang script yata ‘yun ni Geoff na may nakasulat na name ng karakter nito sa folder yata ‘yun. Post ni Carla “So proud of you! Break a leg baby!†at isinulat ang IG account ng aktor.
Ay teka lang, two weeks magkasama sina Carla at Tom sa US Tour ng MHL, tiyak may tsika na naman sa kanilang dalawa. Pero nabanggit na ni Carla dati pa na hindi pinagselosan ni Geoff ang mga eksena nila ni Tom sa MHL.
Anyway, hindi pa man tapos ang Let’s Take a Chance movie nina Carla at Tom, may sinimulang horror movie sa Regal Entertainment pa rin si Carla. Ito’y ang Third Eye sa direction ni Aloy Adlawan. Kasama sa cast sina Camille Prats, Ejay Falcon, at Denise Laurel.
Actor-singer halata na ang relasÂyon sa actress na singer din
Parang gusto namin maniwalang may something beautiful na nangyayari sa actor singer (AS1) at kay actress-singer (AS2) lagi silang magkasama. Kahit hindi showbiz event, magkasama pa rin ang dalawang latest na nali-link sa showbiz at kabilang ang pictures nila sa Instagram (IG) na magpapatunay nito.
Naalala namin, ang ex-GF ni AS1 ang nagbuking na may third party sa break-up nila at nagbigay pa ng clue. Pero dahil sa sunud-sunod na break up sa showbiz, hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang break up nina AS1 at ex-actress GF.
Kung pina-follow pa si AS1 sa IG ng ex niya o mga kaibigan nito, makikita niya ang pictures nina AS1 at AS2 together with their friends. Ang latest event na nakunan ng litrato na magkasama ang daÂlawa ay sa Halloween Party sa isang hotel.
Mona Louise hindi nababakante
Bagay na young Janine Gutierrez sa Villa Quintana si MoÂna Louise Rey. Silang dalawa ang gaganap sa role ni LyÂnette Villa Quintana sa Afternoon Prime na nagsimula nang umere kahapon.
In fairness, laging may show sa GMA 7 si Mona Louise at kundi man regular show, naggi-guest ang bagets.
- Latest