^

PSN Showbiz

Kaya ayaw magpa-party Pauleen sa Macau magbi-birthday kasama si Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw nang i-celebrate ni Pauleen Luna ang kanyang kaarawan sa Nov. 10.  Mas gusto raw niyang tahimik na lang at wala ng party. Pero pinag-iisipan niyang magpa-party sa mga batang cancer patient ng Childhaus. ’Yung sila lang daw sana at ilang kaibigan na hindi na kailangang ipa-media pa.

May surprise birthday gift kaya si Vic Sotto sa kanya? May plano ba sila ni Bossing Vic sa kaarawan nito? “Hindi ko alam eh,” tipid na sagot ng aktres.

Ang dinig ko lang na balak nila ni Bossing Vic ay magkasama silang manonood ng laban ni Manny Pacquiao sa Macau.

PAK: Madamdamin ang pahayag ni Lola Tess ni Charice Pempengco na sobrang nami-miss na niya ang kanyang apo.

Dati ay hindi pa nito tanggap ang karelasyon ni Charice na si Alyssa Quijano pero ngayon ay okay na sa kanya at sana madalaw na raw siya ng apo.

Ang gusto sana ni Lola Tess ay mapanood ang concert ni Charice na One Voice na gaganapin sa Newport Performing Arts sa Resorts World sa Nov. 5.

Magkikita na kaya silang mag-lola roon? Kaya lang ang Mommy Racquel ni Charice ay matigas pa rin at hindi pa rin daw handang makita ang kanyang anak na kasama si Alyssa.

BOOM: Ang latest na narinig namin sa breakup nina Kristoffer Martin at Joyce Ching, nagkaayos na naman daw sila at nagkabalikan.

Ang medyo nagkakalabuan na naman daw uli ay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Medyo nakakapagod na ring subaybayan dahil ganun naman daw sila noon. Galit-bati ang drama pero ang ending ay sila pa rin.

Ang latest daw ay hindi makakapanood si Kylie sa concert ni Aljur sa Nov. 7 sa Music Museum.

Pero sa Huwebes pa ’yun kaya marami pang puwedeng mangyari bago dumating ang araw ng major solo concert ng Kapuso hunk.

                                                            

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALYSSA QUIJANO

BOSSING VIC

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

JOYCE CHING

KRISTOFFER MARTIN

KYLIE PADILLA

LOLA TESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with