^

PSN Showbiz

Buwis-buhay, sagip-buhay sa 14th Anniversary Special ng I-WITNESS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang bahagi ng four-part 14th anniversary special ng I-Witness sa Lunes, Nobyembre 4, babalikan ni Howie Severino ang Bohol kung saan siya gumawa ng dokumentaryo sa world-renowned Loboc Children’s Choir.

Noong 2003, sinundan ni Howie ang nasabing grupo sa Barcelona, Spain kung saan nagwagi sila ng gold medal matapos talunin ang iba pang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Matapos ang sampung taon, ang Loboc Church, kung saan noon kumakanta ang nasabing choir, ay gumuho matapos tamaan ng isa sa pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Pilipinas. 

Sa kanyang pagbabalik sa Bohol, makakasama ni Howie si Jessa, isa sa mga miyembro ng choir na nakilala niya noon. Si Jessa ay 21 taong-gulang na at isa na siyang nurse ngayon na tumutulong sa mga biktima ng lindol. Sa paglilibot sa mga lugar na matinding napinsala ng lindol, madidiskubre ni Howie ang mga kuwento ng kabayanihan at kung paanong sinuong ng ilan ang panganib mailigtas lang ang kanilang mga kababayan.

Tunghayan ang Buwis-Buhay, Sagip-Buhay, ang ikalawa sa apat na serye ng dokumentaryo nina Howie Severino, Kara David, Jay Taruc, at Sandra Aguinaldo na sumasagot sa tanong: “Para saan mo itataya ang iyong buhay?”

Mapapanood ito sa Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

BOHOL

BUWIS-BUHAY

HOWIE

HOWIE SEVERINO

JAY TARUC

KARA DAVID

LOBOC CHILDREN

LOBOC CHURCH

SANDRA AGUINALDO

SI JESSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with