^

PSN Showbiz

Alden Richards naramdaman kung paanong mabingit sa kamatayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Nobyembre 2) sa Bingit, isasabuhay ng Kapuso prime leading man at sought-after endorser na si Alden Richards ang kuwento ng binatang si Symon John “SJ” Riego na nawalan ng direksiyon ang buhay dahil sa masamang bisyo at nalagay sa bingit ng kamatayan matapos ang isang malagim na trahedya.

Iniwan si SJ ng kanyang Nanay Epifania sa kanyang Lola Guillerma para makapag-aral. Lumaking galit sa ina, nag-rebelde at nalulong sa masasa­mang bisyo si SJ. Nakakita siya ng mas maliwanag na kinabukasan nang makilala niya si Mara. 

 Pero dahil na rin sa kanyang bisyo, hindi natagalan ni Mara ang pakikipagrelasyonsa kanya. Sa kan­yang sama ng loob, nakipag-karera sa motorsiklo si SJ at nadisgrasya. Nagamot man ang kanyang mga sugat, na-comatose pa rin siya at nalagay sa bingit ang kanyang buhay.  

Paano nakabalik mula sa kanyang ’di maintindihang purgatoryo ang suwail na anak? Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas para lumaban? Mayroon pa ba siyang kinabukasan?

Kasama rin sa episode na Unahan sa Hukay si Arny Ross.

Mapapanood ang Bingit ngayong Sabado pagkatapos ng Startalk, 4 p.m., sa GMA.

ALDEN RICHARDS

ARNY ROSS

BINGIT

HUKAY

INIWAN

LOLA GUILLERMA

NANAY EPIFANIA

NGAYONG SABADO

SYMON JOHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with